Singer Gerald Santos all set for “Miss Saigon”

The singer-actor will play the role of Thuy in the latest theatre run of the musical in the UK and Ireland.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/17/2017 12:45 AM
Singer Gerald Santos all set for “Miss Saigon”


041717-GeraldSantos_PUSH.jpgAll smiles ang singer-actor na si Gerald Santos nang opisyal ng ihayag ng "Miss Saigon" producer na si Cameron Macintosh na siya ang gaganap sa papel na "Thuy" sa latest theater run ng hit musical na mapapanood sa United Kingdom at Ireland.

Sa interview ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, ibinahagi ng aktor na ito ang biggest career break nya na nagsimula bilang grand winner sa local talent search na "Pinoy Pop Superstar" noong 2006.

Binansagan bilang "Prince of Ballads,” inihayag ni Gerald na halos isang taon ang kanyang paghihintay bago nakuha ang role.

"I went through four stages of auditions. I am glad that by God’s grace, I passed them all," masayang kwento ni Gerald.

Nahasa na rin ang aktor sa entablado sa nakaraan niyang local projects gaya ng "Sino Ka Ba Jose Rizal?" at "Pedro Calungsod." Ngayon, abot-abot ang pasasalamat ni Gerald sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya mula simula ng kanyang career.

"I thank my parents and my fans for not giving up on me," sambit pa niya.

Makaksama ni Gerald ang ibang pinoy performers na sina Red Concepcion at Joreen Bautista na lilipad papuntang London sa first week of May para sa simula ng rehearsals. Magbubukas ang latest production ng "Miss Saigon" sa July 3 sa Curve Leicester, England.