• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Former PBB housemate Johan Santos shares how it feels being a first time dad

EXCLUSIVE: Former PBB housemate Johan Santos shares how it feels being a first time dad

The actor and his girlfriend named their son Zohan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/17/2017 12:41 AM
EXCLUSIVE: Former PBB housemate Johan Santos shares how it feels being a first time dad


041717-JohanSantos_PUSH.jpgCertified daddy na ang former Pinoy Big Brother (PBB) 4th Big Placer na si Johan Santos.

Nagsilang ang kanyang girlfriend na si Mary Eileen Gonzales ng isang bouncing baby boy (7.9 lbs.) sa mismong kaarawan nito noong April 10. Pinangalanan nina Johan at Eileen ng Zohan Miguel Santos (Baby Z) ang kanilang first baby.

According to Eileen who is a former beauty queen and a Star Magic artist, natagalan bago niya nailuwal si Baby Z. Inabot daw ng halos 18 hours ang kanyang pagle-labor.

Ayon naman kay Johan, kakaiba ang kanyang naramdaman nang makita at mahawakan niya si Baby Z.

“Iba yung feeling ng excitement at meron ding takot dahi siyempre, meron ka ng responsibility bilang isang parent sa isang sanggol, di ba? Kung mabibigay mo ba lahat or baka hindi mo magawa lahat nang tama.

“Pero sa totoo lang, mas magiging positive ka sa lahat ng bagay at siyempre masaya kapag meron ka ng anak. Ganu’n pala yon, parang hindi mo alam yung pakiramdam kapag nakita mo at nahawakan ang baby mo.”

Dagdag pa niya, “Totoo pala yung sinasabi nila, na once nagkaanak ka, hindi na yung sarili mo ang iniisip mo kundi yung para sa anak mo na. Now I undersand.”

Samantala, si Johan ay ka-batch at nina Melai Cantiveros, Jason Francisco at Paul Jake Castillo sa PBB Double Up noong 2009. May kani-kanyang pamilya sina Melai, Jason at Paul Jake.

Ikinasal si Melai kay Jason at ngayon ay may dalawa na silang anak. Si Paul Jake naman ay kasal na rin kay Kaye Abad.

Bukod sa pagiging in demand na TV commercial model, napapanood din ngayon si Johan sa “The Better Half” ng ABS-CBN as JC de Vera’s brother.

JOHAN-1.jpg

JOHAN-3.jpg