• Home
  • Fresh Scoops
  • Arron Villaflor shares how he learned to appreciate his parents more because of “The Greatest Love”

Arron Villaflor shares how he learned to appreciate his parents more because of “The Greatest Love”

The actor was emotional while sharing how his mother overcame an illness.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/16/2017 11:13 AM
Arron Villaflor shares how he learned to appreciate his parents more because of “The Greatest Love”


041617-AaronVillaflor.jpgNapapanood araw-araw sa role niya bilang "Paeng" sa teleseryeng "The Greatest Love" si Arron Villaflor at sa farewell press conference para sa kanilang matagumpay na palabas na nagbibigay halaga sa pagmamahal sa magulang, hindi napigilan ng aktor ma maibahagi ang kanyang relasyon sa kanyang ama at ina.

"Mama’s boy din naman ako kaya alam mo yun kapag naiisip ko na nagagalit ako sa nanay ko, parang ang hirap magalit, parang bago pa ako magsalita parang naiiyak na ako doon sa sasabihin ko kasi parang hindi ko kaya kasi ang close ko sa nanay ko eh," kuwento ni Arron. 

Hanggang may pagkakataon ipinapahayag ni Arron na mahal niya ang kanyang mga magulang.

"Yung pagsasabi ng 'I love you' totoo yun. Hindi ako sanay magsabi ng 'I love you' sa parents ko dati, pero ngayon lagi na ako nagsasabi ng 'I love you.'"
Hindi napigilan na mapaiyak at maging emotional ni Arron ng ibahagi niya ang pinagdaanan sa kalusugan ng kanyang ina at pasasalamat sa mga ka trabaho na nagdasal sa paggaling nito.

"Ok na po si mama ko, na operahan na si mama ko, tinanggalan siya ng limp nodes sa dibdib para hindi maging cause ng cancer at salamat po sa aking ‘The Greatest Love' family dahil ipinagdasal nila ang nanay ko," sambit ng aktor.  

Positibong epekto kay Arron na mas binibigyang halaga niya ngayon ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang nanay na walang sawang nagmamahal sa kanya.
"Ngayon natutunan ko ng mas mahalin ang nanay ko kasi matanda na siya. Minsan nagbibilang ako parang ilang years na lang (napaiyak). This year 27 na ako parang ilang years na lang to spend time with my parents at hindi laging bata ako, I have to grow up and learn my responsibilities," pagtatapos ni Arron.