• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiana Valenciano excited about Gary Valenciano’s upcoming concert with Sam Concepcion

Kiana Valenciano excited about Gary Valenciano’s upcoming concert with Sam Concepcion

Kiana Valenciano is grateful that people support her relationship with Sam Concepcion.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/15/2017 7:02 AM
Kiana Valenciano excited about Gary Valenciano’s upcoming concert with Sam Concepcion


041517-KeanaValenciano2_PUSH.jpgBlooming at happy ngayon ang only daughter ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana Valenciano nang nakapanayam natin ito sa kick-off party ng Manila X (Music and Fashion festival) event kung saan isa siya sa mga performer.

"I'm very happy and excited because this will be the biggest music festival in the country and only one of its kind so I'm honored to be part of this exciting event for the second time," panimula ng dalaga.

Aminado si Kiana na mas malapit pa din sa puso niya ang musika dahil sa impluwensiya ng kanyang mga magulang.

"I think music kasi I grew up with that talaga and this is part of who I am. But the interest in fashion will continue to grow pa din," kuwento pa ni Kiana.

Bukod dito excited din si Kiana para sa nakatakdang US tour ng kanyang ama na kung saan unang beses nila magtatanghal kasama ang kanyang boyfriend na si Sam Concepcion.

Kuwento ni Kiana, hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamadaman pero nagpapasalamat siya dahil suportado siya ng kanyang mga magulang sa kanilang relasyon.

"Excited and nervous (laughs) kasi we haven't done that before. I mean, we have pero best friend ko palang si Sam (at the time). But now it's exciting kasi we get to travel and I'm thankful siyempre with my parents kasi they always give their full support to me."

Dahil sa romantic na love story ni Kiana at Sam na best friends to lovers, ilan sa mga tagahanga nila ang nagbibigay suporta sa kanilang pagmamabutihan na ipinagpasalamat naman ni Kiana.

"Ako hindi ako sanay sa nga love team, love team kasi most of my past relationships are kept in private. But it's nice to know that there are people who support our relationship and I kind of like it," pagtatapos na kuwento ni Kiana.