Celebrities share their traditional holy week practices

Celebrities reveal what makes Lenten season meaningful for them.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/12/2017 9:04 AM
Celebrities share their traditional holy week practices


041217-CelebLent_PUSH.jpgMakulay at iba-iba ang pag-gunita ng ating mga kapamilya sa panahon ng Semana Santa. Dito muli inalala ng ilang showbiz personalities ang kanilang kabataan at paraan ng pag-observe ng mahal na araw.

Si Piolo Pascual, nakalakihan ang tradisyunal na Semana Santa. Pero mas naging makahulugan na ito ngayon sa kanya.

"Traditionally marami yang mga pasiyam, bisita iglesia, pero now ang ino onserve ko is more on the intimacy. Magdasal ka kahit nasaan ka man. It’s really observing the Lenten Season," sabi ni Piolo.

Si Arci Munoz ikinuwento na magkaksama silang pamilya sa iba’t-ibang tradisyon ng mahal na araw at ito ang unang pagkakataon na di siya makakasama dahil sa trabaho.

"Ayun first time di ko sila makakasama dahil nasa tour kami, nasa work. Pero I told my mom na I’ll keep the tradition still kahit hindi ko sila kasama this holy week," kuwento ni Arci.

Sentimental naman ang oanahon na ito para sa Pusong Ligaw actor na si Joem Bascon dahil ang bisita iglesia ang naging bonding nila ng kanyang nanay noong mga panahon na malakas pa ito.

"Before nagbibisita iglesia kami noong malakas pa ang mommy ko pero ngayon nasa bahay na lang sila. Kami na lang nagpupunta just for us to show na nire-reminisce namin ang mga yun," paghahayag ni Joem.

Para kay Piolo, Arci at Joem, habang buhay nilang sasariwain at bibigyang halaga ang mga alaala ng Holy Week at mga natutunan dito kasama ang mga mahal nila sa buhay.