Meet Darna’s biggest fan

Fan Herbert Chavez might have the biggest collection of Darna memorabilia to date.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/11/2017 9:40 AM
Meet Darna’s biggest fan


041017-Darnacollector_PUSH.jpgMahigit isang dekada na ngayong kolektor ng Darna items at memorabilia ang big fan na si Herbert Chavez mula sa Calamba, Laguna, kung kaya wala na halos galawan sa kanyang tahanan na mistulang isang museo na dahil sa dami ng kanyang collection na nagmula pa sa unang Darna na si Rosa Del Rosario.

Hanggang sa pagpasa-pasa ng bato ng mga sumunod pang Darna, mayroon naitago na souvenir si Herbert na masipag niyang hinanap at iningatan.

“Nagsimula ako magk hilig kay Darna sa palengke komiks pa. Nakalagay sa back page abangan si Darna noong bumalik siya noong 1980s. Darna versus Dyangga pa noon. Noong makita ko yung ads na yun hinanap ko agad yung komiks nun kahit delayed na ako ng three issues noon.”

Kasama ang kanyang mga kaibigang cosplayers na hilig din gayahin sina Darna at Valentina, muli nilang binabalik-balikan ang powers ni Darna mula sa kanyang mga koleksyon.

Mula sa Darna komiks, DVD copies ng Darna, action figure ni Darna at laminated na pictures, maituturing ng Darna museum ang bahay ni Herbert.

Kung kaya sa napipintong pagbabalik ni Darna sa pelikula, nais ni Herbert ang muling ipakilala ang Pinay superhero sa present generation ng mga manunuod.

"Kailangan we need to reboot at saka kailangan makilala ng mga millennials kung sino ba talaga si Darna."

Sa mga lumutang na pangalan kung sino ang susunod na sisigaw ng Darna, may bet na rin ang biggest Darna fan.

“Parang ayoko pumili ng artista ang gusto ko beauty queen si Pia Wurtzbach! Kasi kapag hindi siya nakaayos normal na babae siya kapag nakaayos na di lang pinakamaganda sa buong mundo, buong Universe pa!”

Samantala sa kanyang Darna collection, ang pinaka paborito ni Herbert ang life-sized statue ni Darna na inspired mismo ng itsura ni Angel Locsin. Kung kaya ikinalungkot talaga ni Herbert ng mag announce si Angel na di na niya magagampanan na maging Darna, pero may naisip siyang solusyon dito bilang isang fan.

"Pero ang part na gusto ko is if Angel cannot make it as Darna she can still make it, you know why, siya ang magbibigay ng bato!”

Bilang isang fan sinigurado naman ni Herbert na sino man ang itanghal na gumanap bilang Darna ay buong puso pa din siya magbibigay suporta para dito.