• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado says being a kontrabida is something ‘new’ and ‘exciting’

Iza Calzado says being a kontrabida is something ‘new’ and ‘exciting’

Iza shares how it is playing Grace on primetime series “A Love To Last.”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/11/2017 4:11 PM
Iza Calzado says being a kontrabida is something ‘new’ and ‘exciting’


041017-IzaCalzado_PUSH.jpgUnti-unti nang nararamdaman ang presence ng karakter ni Iza Calzado at Grace Noble sa trending series ng ABS-CBN na “A Love To Last” na pinagbibidahan din nina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Lumilitaw na ang pagiging kontrabida ni Grace sa relasyon nina Anton at Andeng.

“I am really bracing myself to more tweets kasi ngayon pa lang, pakonti-konti meron na, eh. I haven’t played kontrabida on TV in 14 years. So parang for me, it’s something new, but also exciting.

“Kasi, oo nga, ‘no, pag naiinis sila sa yo that means you’re effective.  And for me, this is also... parang how do I play around with her character but still be subtle, na hindi yung talagang over the top pero dapat nakakainis siya.

“Yon yung talagang nilalaro ko, eh. Sana po ma-achieve ko,” pahayag ni Iza sa huling interview namin sa kanya tungkol sa pagiging kontrabida niya sa “A Love To Last.”

Ilang percent ba ng pagkatao niya ang katulad ng kay Grace?

“Not much to be honest.  Parang her issues are not mine, kasi totally different life path kami. Pero dahil sobrang hindi kami pareho, do’n ko kinukuha si Grace na parang what will I feel or how will I feel kasi nga si Grace, parang ang selfish, di ba?”

Patuloy pa niya, “Eh, ako, alam ko yung character bible niya… alam ko yung pinagdaanan niya, so meron siyang rason. Pero minsan unreasonable din,” paliwanag ni Iza.

Eh, kumusta naman ang working relationship niya with Bea, Ian and Julia Barretto?

“Definitely I have a solid relationship with Ian, it goes way back. I have a good relationship with Bea, I’d like to think so kasi nga even before this project started we’d have occasional na parang catch-up, kuwentuhan.

“With Julia,  I wish I could spend pa more time with her and the kids. It will happen soon, I hope that I can bond with them more. But right now, I’m quite happy to know them also,” kuwento pa niya.

Kelan ba niya nakikita ang sarili na magkakaroon na rin ng anak?

“Siguro mga two to three years pa. Malapit-lapit na rin ha. Pero kasal po muna. Hindi naman ako nagmamadali,” nakangiti niyang pagtatapos.