Celebs share their Holy Week plans (Part 1)

Your favorite celebrities reveal what they plan on doing for Lenten season 2017.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

4/11/2017 9:56 AM
Celebs share their Holy Week plans (Part 1)


041017-CelebPoll_PUSH.jpg

Kathryn Bernardo
“May promotion kami sa Holy Week pero alam ko may two days na off. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko.”

Gerald Anderson
“Of course I hope I get t go somewhere na sa beach just to relax, to contemplate and to absorb lahat ng mga blessings na nangyayari ngayon.”

Bela Padilla
“I’m going to visit my dad sa Bangkok siya nakatira. So I’ll be there with my mom. Sasama yung mommy ko. Binigyan kami ng break ng taping. Right now my dad’s retired na. He used to make websites for hotels. He started in banking tapos nag-shift siya to that.”

Andrea Brillantes
“Baka mag-Ace Water Spa kami kasi yun yung favorite ko nung bata ako eh. Noon kasi trineat kami ng grandparents ko wala pa kaming pera nun so medyo tipid talaga kami. Ngayon naman gusto ko ako mag-ti-treat sa grandparents ko dun. Dito lang kami sa Manila”

Robi Domingo
“I want to go out of the country to relax and unwind with family sana kaso lang may trabaho eh. I’ll be with the Star Magic 25 tour so I’ll be in San Francisco by that time.”

Daniel Matsunaga
“I’ll be in the States. I have a tour there. Galing ako sa Canada so ngayon on April 12 aalis ako kasi may tour ako kasama ko sila Kim Idol, Pepay, Petite, Matt Gozun, yung group nila. So maraming cities kaming pupuntahan. Super nakakatawa sila. Sobrang nag-enjoy ako kasi walang stress eh. Buong araw tawa ng tawa kami and at the same time nagtatrabaho kami. Parang enjoy lang ako dun ng holiday.”

Kylie Verzosa
“I’m going to Brunei with my family. We’re doing some advocacy tours there and then we’re going to Phuket, Thailand, and Malaysia.”

Thou Reyes
“I have no plans. After doing the musical Caredivas I think I’ll need a good massage (laughs). Ang sakit na ng katawan ko sa kaka-split. Nawawalan na ako ng ugat. But then I’m waiting for the barkada, sila Maja (Salvador) and Kakai (Bautista) kung ano yung plano namin kasi Maja is busy and Kakai just finished her launching movie. So maraming nangyayari, masaya kami, we’re busy, we don’t see each other that much but then we’re happy that our careers are doing okay.”

Jericho Rosales
“We want to go surfing. I’ve been surfing again aside from riding motorcycles. So I went surfing last weekend and I’m going surfing again for Holy Week to prepare for a new film with director Paul Soriano.”

Ivan Dorschner
“Magbabasa lang talaga ako sa condo. May nabili akong three books at yun ang babasahin ko for the rest of my time. Actually magtatrabaho kami sa Holy Week the whole week.”

Miles Ocampo
“Nasa bahay lang ako sa Holy Week kasi one week lang din yung break ko pero marami pang gagawin sa school kasi hanggang May 15 pa yung pasok ko. So after pa ng school kami makakapag-bakasyon ni beshie (Sharlene San Pedro).”

Aiza Seguerra
“Holy Week kasi is really the time we spend with family. Kumbaga both our families nagsasama-sama kami sa Villa Escudero. I started kasi dun na kumakanta ako dun during their salubong pero now hindi na ako kumakanta but nakagawian nami ng family. We’ve been doing it for 25 years na rin. So dun na kami. Talagang we just spend time there, nagkukuwentuhan. May kanya-kanyang trip pa rin kami pero we eat together. Usually kasi those are the things na hindi na namin nagagawa eh.”

Yassi Pressman
“Madami na kasi places na hindi na puwede puntahan ni papa so sana this year so maghahanap pa ako ng lugar na ma-e-enjoy niya.”