Nag-post lang din diumano si Vice Ganda, 30 minutes bago sumalang si Awra sa entablado. “Sabi niya, tusukin mo silang lahat anak.” Ikinatampo din diumano ito ni Awra dahil, “ngayon lang siya magpu-post, ano ba yan.”
Pero bawi ni Awra tungkol kay Vice, “nung nagcongratulate siya, ang dami na pala niyang tinweet, tumawag pa siya, sabi niya wag ka na magtampo.”
May magandang dahilan din diumano ang hindi pagpunta ni Vice, kung kaya naintindihan na siya ni Awra. “Siyempre ibibigay ko na yang araw mo na yan sa ’yo, ayaw ko kasing may masabi sila na nanalo ka nang dahil sa akin. Gusto kong masabi nila na nananlo ka ng dahil sa sarili mo.”