Awra reveals reason for his ‘tampo’ with Vice Ganda

Awra says there’s a good reason why Vice Ganda didn't watch him live on ‘Your Face Sounds Familiar’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/11/2017 11:53 AM
Awra reveals reason for his ‘tampo’ with Vice Ganda


041117-AwraPush.jpgSa Tonight with boy Abunda, sinabi ni Your Face Sounds Familiar Kids edition winner na si Awra Briguela kung bakit siya nagtampo kay Vice Ganda. “Text po ako nang text sa kanya, ‘manuod ka po ng live. Manuod ka po ng live. Gusto ko pong makita kung gaano ka kaproud sa akin, kung manalo man ako o matalo.’ Tapos tawag po ako nang tawag, oo lang siya nang oo. Tapos nung time na ayaw na sagutin ang mga tawag ko, tapos tampo na ako sa kanya kasi di siya pumunta.”

Nag-post lang din diumano si Vice Ganda, 30 minutes bago sumalang si Awra sa entablado. “Sabi niya, tusukin mo silang lahat anak.” Ikinatampo din diumano ito ni Awra dahil,  “ngayon lang siya magpu-post, ano ba yan.”

Pero bawi ni Awra tungkol kay Vice, “nung nagcongratulate siya, ang dami na pala niyang tinweet, tumawag pa siya, sabi niya wag ka na magtampo.”

May magandang dahilan din diumano ang hindi pagpunta ni Vice, kung kaya naintindihan na siya ni Awra. “Siyempre ibibigay ko na yang araw mo na yan sa ’yo, ayaw ko kasing may masabi sila na nanalo ka nang dahil sa akin. Gusto kong masabi nila na nananlo ka ng dahil sa sarili mo.”