• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz, Martin del Rosario, Janus del Prado, Rodjun Cruz share their plans for Holy Week

Sunshine Cruz, Martin del Rosario, Janus del Prado, Rodjun Cruz share their plans for Holy Week

Para sa maraming celebrities, ang Holy Week ang panahon para makapag-bakasyon at makasama ang mga mahal nila sa buhay.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/10/2017 8:00 AM
Sunshine Cruz, Martin del Rosario, Janus del Prado, Rodjun Cruz share their plans for Holy Week


041017-HOLYWEEKPLABS_PUSH.jpgPara sa maraming celebrities, ang Holy Week ang panahon para makapag-bakasyon at makasama ang mga mahal nila sa buhay.

Sunshine Cruz

Para kay Sunshine Cruz, magba-bonding sila ng mga anak niyang babae.

“Lagi naman kaming ganu’n. Nagte-take advantage ako dyan na walang trabaho and sila naman walang school. Kahit na either sa bahay or Tagaytay or Batangas, kahit over night lang siguro, masaya na yung mga yon.

“Pero mas marami kami ngayon, batalyon kami kasi tatlo yung sa kanya (Macky Mathay). Pero most probably, magkakasama kaming lahat.”

 Martin del Rosario

Magkakasama rin ang buong pamilya ni Martin del Rosario kapag Holy Week.

“Nagsisimba kaming family. Araw-araw yon, eh – Friday, Saturday and Sunday. Very religious kasi yung family ko lalo na sa mother side, so pag Holy Week, madalas magkakasama kami.

“Nagpupunta rin kami ng Tagaytay, nagdadasal. Wala rin akong gagawin this Holy Week kaya malamang kasama ko talaga ang family ko.”

 Janus del Prado

"Work-wise busy pa ako, so hindi ko pa alam kung anong gagawin ko this Holy Week. May ginagawa kasi akong teleserye sa unit ni MNS (Malou Santos ng Star Creatives),” pagbabahagi ni Janus.

“Tsaka hindi naman ako nagbabakasyon pag Holy Week. Kapag wala akong trabaho ng Holy Week, binabawi ko yon ng tulog. Wala rin akong rituals kasi ano naman ako, very fluid ang religion ko. I respect all religion, pero wala akong religion. Kasi for me, it separates humanity, eh. Pag sinabi mo kunyari na itong religion lang na ito yung tama, dinisregard mo na yung iba na mabubuting tao naman pero iba yung paniniwala.”

 Rodjun Cruz

May tinutupad na panata naman si Rodjun Cruz tuwing Holy Week.

“Panata ko po kasi talaga na every Holy Thursday talagang nagbibisita Iglesia kami ng pamilya ko. Pumupunta ako sa pitong simbahan.

“Inuuna kong puntahan yung Manila Cathedral, basta do’n po ako nag-i-start. Tapos yung huling dalawang simbahan ko po (na pinupuntahan), yung dalawng simbahan namin sa BF Homes.

“Siguro 10 taon ko na pong ginagawa yon na hindi po ako pumapalya. Yung panata ko po na yon, lahat ng mga pinagdadasal ko, natutupad po, nangyayari po.”