• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla shares his excitement on daughters’ pregnancies

Robin Padilla shares his excitement on daughters’ pregnancies

The actor says he is excited to be a grandfather soon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/10/2017 4:07 PM
Robin Padilla shares his excitement on daughters’ pregnancies


041017-RobinPadilla_PUSH.jpgProud at excited ngayon ang Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla para sa kanyang dalawang anak na sina Queenie at Kylie na kapwa nagdadalang tao ngayon.

Sa panayam na ito kamakailan kay Robin, tila mababakas sa kanyang mga mukha ang kanyang pananabik para sa panibagong karagdagang miyembro sa kanilang pamilya.

"Pareho silang buntis, si Kylie at Queenie, hindi ko na nga alam kung sino nauna sa kanila e, pero sa totoo lang blessing yan. Isang bagay yan na dapat ipagpasalamat sa Diyos at hindi iyan dapat itinatago," panimula ni Binoe.

Kuwento pa ng aktor, masaya siya sa buhay may asawa ni Queenie. Ikinasal ang panganay nina Robin at ex nitong si Liezl Sicangco kay Usama Mir four years ago.

READ: Robin Padilla finally gives blessing to daughter Queenie and Pakistani husband

"Natutuwa ako para kay Queenie dahil parang magbarkada sila ng asawa niya, kung magtapikan nga akala mo magbarkada. Minsan nagugulat nga ako, e kawawa naman yung anak ko kung matapik," pagbibiro pa ni Robin.

Kuwento ni Robin magkalayo man sila ng anak na si Queenie, nanatiling bukas ang komunikasyon niya dito.

"E kami naman ni Queenie natural na sa amin yung usapang Salam, kaya everyday life namin naguusap kami niyan. Siya kasi yung pinaka religious na nag-practice ng Islam na gawain sa lahat sa amin," sabi pa ni Robin

Sa kabilang banda, bagama't nandito sa bansa ang kanyang anak na si Kylie, madalas din sila nag-uusap nito pero mas ikinatutuwa ni Robin ay mas napalapit ito kay Mariel Rodriguez na kanyang maybahay ngayon. Kakapanganak lang din ni Mariel last November sa kanilang unang anak na si Isabella.

READ: Mariel Rodriguez shares baby Isabella’s first photo

"Si Kylie naman iba naman, marami siyang gawain na wala sa norm at yung mga bagay na yun hindi ko naman ikinagagalit yun, pero siyempre may mga bagay na dapat tinitignan din natin, natutuwa naman ako dahil mas close sila ng Tita Mariel niya lalo ngayon na mas marami sila napapag usapan dahil sa baby," lahad ng aktor.

Dahil magiging ganap na siyang isang lolo, may request naman si Robin sa mga ito lalo na para kay Queenie na nasa ibang bansa ngayon.

"Dapat dito sa atin sa Pilipinas sila manganak, yun lang ang pakiusap ko," pagtatapos na pahayag ni Robin.