• Home
  • Fresh Scoops
  • Basil Valdez to mark four decades in music with a rare concert

Basil Valdez to mark four decades in music with a rare concert

Iconic Pinoy balladeer Basil Valdez celebrates his 40th year in music industry.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/1/2017 9:34 AM
Basil Valdez to mark four decades in music with a rare concert


033117-BasilValdez_PUSH.jpg"Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan." "Kastilyong buhangin" at "Ngayon at kailanman." Iilan lang ang mga awiting ito sa maraming pinasikat ng legendary Pinoy balladeer na si Basil Valdez.

Nagsimula bilang band vocalist noong ‘70s na nag pe-perform ng mga folk songs, ito ang naging daan sa kanyang pagpasok sa mundo ng Philippine music industry noong ‘80s.

Nagningning ng lubusan ang karera ni Basil dahil sa mahusay niyang pagkaka-awit ng mga Pinoy movie theme song gaya ng  "Paano Ba Ang Mangarap" "Muling Buksan Ang Puso" at “Kastilyong Buhangin."

Matatandaan na ilan sa mga awitin ni Basil ay nabigyang kulay muli ng mga singers tulad nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Vernie Varga, at Sharon Cuneta.

Ngayong 2017, sa isang pambihirang pagkakataon muling magbabalik entablado ang iconic Pinoy Balladeer para sa isang concert na gaganapin sa The Theater at Solaire sa April 29 bilang selebrasyon sa kanyang 40 years sa mundo ng musika.

Para kay Basil, ang kanyang concert ay magsisilbing pasasalamat niya sa mga sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

"I enjoy what I do and I continue to be challenged by it. Watching the audience sing along with me invigorates me and makes me happy," saad pa ni Basil.

Dito makakasama niya ang ABS-CBN PhilHarmonic Orchestra, the Ateneo Chamber Singers, at ang kanyang malapit na kaibigan na si Megastar Sharon Cuneta.

Ang nasabing concert ay pamumunuan ng musical director na si Maestro Ryan Cayabyan na malapit din na kaibigan ni Basil.