• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto pokes fun at Erik Santos at Birit Queens concert

Angeline Quinto pokes fun at Erik Santos at Birit Queens concert

Angeline Quinto jokes about Erik Santos’s rumored romance.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/1/2017 9:35 AM
Angeline Quinto pokes fun at Erik Santos at Birit Queens concert


033117-AngelineQuinto_PUSH.jpgBigay todo sa kanilang naging performance ang mga Birit Queens na sila Klarisse de Guzman, Morissette Amon, Jona, at Angeline Quinto sa unang nilang concert kagabi, March 31, sa Mall of Asia Arena.

Pasabog ang song choices ng apat na biritera mula sa mga medley mga nila Whitney Houston, Mariah Carey, at Beyoncé Knowles.

Well-attended din ang naging concert mula sa ABS-CBN executives, malalapit na kaibigan at kapamilya ng mga biritera hanggang sa kanilang mga fans.

Present din sa audience ang malapit sa puso ni Angeline na si Erik Santos na pabirong pinasaringan ni Angge na tila apektado sa bagong nali-link kay Erik na si Miss Universe finalist mula sa Great Britain na si Jamie Lee Faulkner.

"Di bale ng hindi ako marunong mag English. Nakakakanta naman ako," pabirong ani ni Angge sa stage.

Sa panayam naman na ito kay Angeline after the show pinagtawanan lang niya ang kanyang nga naging pahayag sa kalagitanaan ng concert.

"Nagulat ako na pumunta po siya dito at pinuntahan ako sa backstage. Sabi po kasi niya may work siya ayun. Nakakatuwa pa nag-stay talaga siya kasi usually umaalis agad siya pero ngayon nagtagal siya kaya maraming salamat," masayang kuwento ni Angge.

Bukod dito naging highlight din ng concert ang mga madamdaming mga mensahe ng mga biritera sa mga taong nais nilang pasalamatan. Gaya ng kay Angeline na pinasalamatan ang kanyang dalawang ina na gumagabay sa kanya.

"Oo sa lahat ng mga shows na ginagawa ko, ini invite ko po talaga si Mommy Susan [Angeline's Biological Mom] kasi ang Mommy Susan ko po mahilig po kumanta siguro sa kanya ko po namana ang pagmamahal sa musika.

“Tapos si Mama Bob naman po palagi kong kasama araw araw." paliwanag niya.

Sa ngayon, nakatakda na ang repeat ng concert ng Birit Queens sa Abu Dhabi at sa iba pang mga lugar sa Pilipinas.