Will Julia Montes appear in “FPJ's Ang Probinsyano?”

Julia Montes admits Coco Martin is special to her.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/9/2017 6:44 PM
Will Julia Montes appear in “FPJ's Ang Probinsyano?”


030917-JuliaMontes_PUSH.jpgMatipid sa pagsagot si Julia Montes kapag ang personal life na niya ang nagiging topic at kung ano na ba talaga ang status nila ni Coco Martin. Pero matapos ang kanyang contract signing renewal sa ABS-CBN noong March 9, nagbigay reaksyon si Julia dito.

“Okay po kami, super okay. 'Yun lang, sadyang busy lang talaga. Hindi kami parati nagkikita pero 'yung communication, sobrang okay pa rin po. Kahapon magkasama kami kaya lang hindi sa magandang place. Pero okay po kami,” 

Nabanggit ni Coco sa isang interview na espesyal si Julia para sa kanya na sinagot din naman ng aktres.

"Special din naman siya.”

Pero sa ngayon, ang kanilang trabaho muna ang kanilang hinaharap.

“Tignan muna natin kasi personally, mas gusto ko lang mag-focus muna. Ang tingin ko sa buhay, huwag mo lang madaliin lahat. Kapag mindali moa ng isang bagay, baka mas madaling mawala. Take it slow, relax. Tignan po natin kung saan [pupunta],” dagdag ng young actress. 

Isa pang naitanong kay Julia ang pagkakaibigan nila ni Kathryn Bernardo na kasabay niyang inulunsad sa teleseryeng “Mara Clara.” Sabi naman ng aktres, hindi kumukupas ang kanilang samahan.

“Sabi ko nga, kapag may best friend ka, even kami ni Kathryn (Bernardo), kahit hindi kami nagkikita lagi, 'yung closeness nandoon pa rin. Siguro ganun kami ni Coco, kahit hindi kami nagkikita parati or magkasama sa work, 'yung closeness and 'yung friendship, hindi pa rin nagbabago,” sabi ni Julia. 

Sa pag renew ni Julia bilang isang ABS-CBN artist, naliwanagan na ang lahat na di lilipat si Julia.

“Ang sarap po sa pakiramdam kasi siyempre noong nakaraan, may lumabas na lilipat po ako. Now, ang sarap sa pakiramdam na I can say na Kapamilya pa rin po talaga ako.”

Sa ngayon, pinaghahandaan na ni Julia ang bagong teleserye na kanyang gagawin matapos ang matagumpay na “Doble Kara.”

“Unti-unti nagsisimula na kami mag-training. Super exciting kasi kailangan mo talaga siyang tutukan. May kailangan akong gawin para doon sa soap na ‘yun. Sobrang exciting for me. I can say na new version of Julia.”

Mas magiging ma aksyon ang bagong pinaghahandaan ni Julia para mailayo sa nakaraan niyang mga ginawa.

 “Gusto ko maiba. Ang hirap maging specific pero kung kailangan ng physical, game ako doon. Mas gusto ko action field 'yung mga gagawin. 'Yung drama, medyo nagawa naman na po natin,” paliwanag pa nito. 

Sinagot din ni Julia kung may pagasa ba na mag guest appearance siya sa “FPJ's Ang Probinsyano” kung saan bida si Coco.

“Hindi naman po sa akin manggagaling 'yun pero kung tatanungin po ako, gusto ko naman kasi ang ganda-ganda ng soap nila and talagang inspiring 'yung show. Ang sarap lang maging part nung show. Tignan natin, hindi naman po sa atin manggagaling 'yung decision,” pagtatapos ni Julia.