• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes says she has no problem with husband Ali Khatibi joining showbiz

Cristine Reyes says she has no problem with husband Ali Khatibi joining showbiz

Cristine Reyes says no to sexy roles and men’s magazine covers.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/9/2017 7:01 AM
Cristine Reyes says she has no problem with husband Ali Khatibi joining showbiz


030917-christine.jpgAyon kay Cristine Reyes na isa sa mga I Candidates ng programang I Can Do That ng ABS-CBN ay wala nang atrasan ang pag-aartista ng asawa niyang si Ali Khatibi. Kung noon ay nagdadalawang isip pa raw ang husband niya na mag-showbiz, ngayon daw ay pumirma na ito ng kontrata sa Viva.

“Kasi ang Viva, walang masyadong lalaki (na artista), so sabi nila, pwede si Ali kasi MMA fighter tapos jujitsu player din, so sabi nila, bagay na bagay siya sa movie with Brandon Vera and with Anne Curtis also.

“So sabi nila, kung gusto ni Ali, in-offer kay Ali. So, siyempe, nag-sign-up na siya, may (contract) signing nang naganap,” masayang kwento ni Cristine.

Wala raw namang magiging problema kahit pa nag-aartista na rin ang asawa niya.

“Okay ako siyempre. Ano’ng reason ko para sabihin sa kanya na huwag? Di ba wala naman? So sabi ko, ‘Sige, ikaw, try mo kung kaya, kung gusto mo, eh, di go! Kung hindi mo kaya, wala namang pipilit sa ‘yo.”

Nagustuhan naman ba niya?

“Hindi pa siya nagsisimulang mag-shoot. Nag-sign-up pa lang siya. Although may natapos na siyang sitcom sa Sari Sari Channel. Light lang ‘yun, parang nag-enjoy naman siya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Oo, enjoy talaga sitcom pero tingnan natin ang totoong labanan, kunyari gumawa ka na ng movie, teleserye, kasi ‘yun talaga ang patayan, eh,” sabi ulit ni Cristine.

Papayag ba siyang magpa-sexy o tumanggap ng daring role si Ali?

“Hindi ko alam,” reaksyon niyang natatawa.

“Kasi ano, eh, pag ganu’n nahihiya siya,” dagdag niya.

Muling binanggit ni Cristine sa Push.com.ph na meron na siyang mga limitasyon sa pagtanggap ng roles. Hindi na raw siya puwedeng magpa-sexy ngayon.