Bea Rose Santiago finds Bea Alonzo beautiful inside and out

Bea Rose Santiago shares her experiences working on ‘A Love to Last’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/9/2017 7:02 AM
Bea Rose Santiago finds Bea Alonzo beautiful inside and out


030917-bearose.jpgNakisaya sa weeklong centennial celebration ng Abra province si Miss International 2013 turned TV actress na si Bea Rose Santiago bilang host ng Mr. and Ms. Abra 2017.

Bukod sa kanyang hosting career, napapanuod din ngayon si Bea Rose gabi-gabi sa A Love to Last kung saan gumaganap siya bilang glamorous kontrabida na humahadlang sa love story ni Anton at Andeng.

"It's my first teleserye ever, and I'm really, really happy that [I’m working with] Ian Veneracion who [has been] my idol since I was young and Bea Alonzo kaya parang 'Wow! Big stars agad ang kasama ko.' And a for a first timer like me bigatin agad ang ka work ko," panimula ni Bea.

Dahil first-timer sa pag-arte sa telebisyon after ng kanyang beauty queen duties, aminado si Bea Rose na talagang pinaghandaan niya ang pagkakataon na ito.

"It's hard for me to compose, parang Q and A lang sa pageant ang feeling. Pero mas pressured pa din ako sa Q and A sa pageant, but with acting iba na talaga and I prepare talaga. I went to a lot of workshops, I went through people and I always repeat yung mga videos ko para makita ko kung may mali. Pinag-iigihan ko talaga kasi It's different world from beauty pageants, I don't want to be tagged like 'o she's just a beauty queen.’ I don't want to be tagged like that," paliwanag pa ni Bea Rose.

Kahit first time sa pag-arte, masaya si Bea Rose para sa positbong feedback sa kanya ng mga manunuod lalo na ang kanyang ina na apektado sa pagmamabutihan ni Anton at Andeng.

"The fans are very supportive naman yung comments sa social media accounts ko especially with team up kay Ian Veneracion. Masaya naman ako na positive ang tingin ng mga tao hindi negative. But my mom is also affected like she was saying na ' bakit may singitera sa eksena?' and yung mga co-actors ko they were asking 'bakit ganyan si Bea Rose akala ko friend zone lang bakit trying pa din to stay in the middle?'” saad pa ni Bea.

Bukod dito naibahagi din ni Bea Rose ang ang kanyang experience ng makasama si Bea Alonzo. Aniya bukod sa personal na kagandahan ni Bea, maganda din ang puso nito sa mga kasamahan sa set.