Devon Seron shocks with her role in 'Pwera Usog'

Devon Seron does not mind getting ‘dirty’ for her movie role.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/8/2017 7:00 AM
Devon Seron shocks with her role in 'Pwera Usog'


030817-DevonSeron_PUSH.jpgIsa ang Star Magic artist na si Devon Seron sa mga bida sa horror film na Pwera Usog ng Regal Entertainment at wala siyang pakialam kahit na pinapangit siya at ginawang taong-grasa sa biggest break niya sa pelikula.

“Ako naman po, hindi naman po sa physical look yon, eh. Kasi gusto kong makita ng tao na ibubuga din naman ako. So, ako naman po, sobrang happy ako na itong first movie, na isa ako sa main cast hindi lang po siya typical na role.

“Ako, na-shock ako na, ‘Oh my God, malaking pressure ito sa akin.’ Malaki dapat yung ibigay ko, yung best ko dapat nandito. So, at least, makikita ng mga tao yon and sana ma-appreciate nila yon,” simulang pahayag ni Devon sa Push.com.ph.

Makikita rin daw naman na beautiful siya sa movie pero sa bandang huli na raw ito.

“Ano po talaga ako, pulubi since nu’ng bata pa ako, hanggang sa lumaki ako at magkaproblema sa isip,” kwento niya.

Ano ba ang challenge na na-experience niya while doing Pwera Usog?

“Yung biggest challenge ko po dito sa role ko, hindi lang sa karakter ko kasi ako rin po nakaka-experience dito o nakakakita ng mga spirits. Kasi yung mga location po namin sobrang… mga abandoned building, so hindi rin po talaga iwasang may maramdaman akong kakaiba.

“Kasi po, usually pag nag-eeksena ako mag-isa lang. Tatakbo akong mag-isa, so ako naman po natatakot talaga ako,” kuwento pa ng dalaga.

Kahit daw taong-grasa siya sa kabuuan ng pelikula ay hindi naman daw siya nagwo-worry na baka hindi siya makilala ng audience bilang si Devon.

“Hindi naman po ako nagwo-worry sa ganu’n,” sabi agad niya. “Actually, may scene naman po ako na makikita yung mukha ko, na malinis akong tingnan. Okey lang po sa akin.”

Samantala, it took seven years ago bago daw siya nabigyan ng lead role sa pelikula kaya malaki ang pasasalamat niya sa Regal Films.

“Ngayon lang po yung pinakamalaking role ko,” pag-amin niya.

Eh, sa teleserye nagkaroon na rin ba siya ng lead role?

“Wala pa po, eh. Puro support-support lang. Sana po mabigyan din ng lead role pero hindi naman po ako nag-i-expect, as in. Ano lang po ako, nagku-concentrate po ako once na binigyan po nila ako ng character.

Gusto ko lang pong mabigyan ng justice every role na binibigay nila sa akin. Kaya hindi po ako nagwo-worry if it’s big or not,” rason niya.

Showing na sa March 8 ang Pwera Usog na pinagbibidahan din nina Sofia Andres, Kiko Estrada, Joseph Marco at Albie Casino.