Ai-Ai Delas Alas wants to work with Pia Wurtzbach

Ai-Ai Delas Alas admits she was star struck by Pia Wurtzbach.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/8/2017 7:01 AM
Ai-Ai Delas Alas wants to work with Pia Wurtzbach


030817-AiAiDelasAlas_PUSH.jpgSexing sexy ngayon ang pangangatawan ng Queen of Comedy na si Ai-Ai Delas Alas nang nakapanayam natin ito sa contract signing ng kanyang upcoming project sa Cineko production.

Pabirong kuwento ni Ai-qAi, nag-uumpisa na siyang mag pa-sexy dahil sa mga paghahanda nito sa mga proyekto na kanyang gagawin.

"Hindi naman talaga nag-diet, change of lifestyle lang talaga, change ng food para sa healthy living, for health purposes lang talaga."

Dito naikuwento din ni Ai-Ai ang kanyang naging experience ng makasama niya kamakailan sa isang event si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na mistulang pinapasahan siya ng korona nito.

Aniya, naramadaman niya ang pagiging busilak at pagiging totoong tao ni Pia sa sandaling mga oras nakausap niya ito.

"Oo mabait siya at talagang maganda. Bukod sa panlabas na ganda niya maganda din ang kalooban niya. Kalog din hindi siya yung suplada na maarte. Nagpa-picture ako sa kanya kasi talagang nakaka star struck siya. Miss Universe siya no."

Dahil bitin ang experience ni Aiai sa kuwentuhan nila ni Pia, bukas din umano ang komedyante kung sakaling magkaroon sila ng proyekto na magkasama sila

"Oo naman... kahit nga maging alalay niya ako tapos Miss Universe siya okay na ako sa ganong role tapos later on ako na yung Miss Universe siya naman ang alalay ko," masayang pahayag ni Ai-Ai.