• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerome Ponce reveals he feels challenged working with director Chito Roño

Jerome Ponce reveals he feels challenged working with director Chito Roño

The actor is part of the cast of the Star Cinema film “The Ghost Bride.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/7/2017 6:59 AM
Jerome Ponce reveals he feels challenged working with director Chito Roño


030717-JeromePonce.jpgKasabay ng centennial celebration ng probinsya ng Abra ang pag dumog ng mga fans ng mga Kapamilya stars na sina Maris Racal at Jerome Ponce.

Nakorner ng PUSH si Jerome backstage at naibahagi nito na mag uumpisa na ang shooting ng upcoming movie ng Star Cinema na “The Ghost Bride,” kung saan makakasama niya ang chinita princess na si Kim Chiu.

Dahil first time na sasailalim sa direksyon ng batikang direktor na si Chito Roño, amindo ang binata na kinakabahan siya dito. Pero tinitignan din niya ito bilang challenge sa kanyang karera bilang bagong aktor.

"First time ko po kay sir Chito Roño, kinakabahan po talaga kasi talagang kailangan po disiplinado talaga. Mas challenging po para sa akin kasi gusto ko walang masabi si direk Chito sa performance ko.  Gusto ko may matutunan din po talaga ako," saad pa ng binata.

Bukod dito, kumalat din sa social media ang mga larawan ng kanyang kapatid na mistulang intresado na din na pumasok sa showbiz, pero bilang kuya nagbigay payo si Jerome sa magiging desisyon ng nakakabatang kapatid.



"Hindi ko po alam sa kanya sa ngayon, kasi dati sinasama sama ko lang po ang kapatid kong bunso para malaman po niya kung ano ang nature ng trabaho po natin, pero siyempre as a kuya pinaparangalan ko po siya na mag tapos muna sila ng pag aaral nila dahil hindi lifetime ang showbiz," sabi ni Jerome.