• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina Raymundo on being fit: ‘Kailangan kausapin mo yung sarili mo’

Ina Raymundo on being fit: ‘Kailangan kausapin mo yung sarili mo’

Ina Raymundo shares secret to her svelte body

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/7/2017 6:56 AM
Ina Raymundo on being fit: ‘Kailangan kausapin mo yung sarili mo’


030717-InaRaymundo_PUSH.jpgSa ulat ni Dyan Castillejo sa TV Patrol, ibinahagi ni Ina Raymundo kung paano niya napapanatili ang ka-sexyhan niya kahit may lima na siyang anak at 41 years old na siya.

Una diumano, inpirasyon niya ang kanyang asawa. “Nakapag-asawa ako ng napaka-fit. Yung Canadian ko na asawa, so siya yung fitspiration ko saka ikaw. Nagstart ako mag work out after having may first child, kasi I gained so much weight. Saka dun ko naisip na ay kailangan ko na talaga magbago ng lifestyle.”

Five days a week ang workout ni Ina sa Synergy Circuit Training sa Taguig. Gusto ni Ina ma-acheive ang Madonna arms kaya suspension training ang ginagawa ni Ina para dito.

Sinasamahan din niya ng proper diet ang pag-wowork out niya. “I just eat healthy na gulay di ba, fish, chicken. Kumbaga achievable yun di ba. Kahit sino pwede kumain nun di ba?”

Hinahikayat din Ina ang mga mommies na maging fit. “Kailangan kausapin mo yung sarili mo, kailangan mo mag-commit. Kailangan meron kang disiplina.

Cover muli si Ina ng isang men’s magazine at proud siya sa kanyang fit body. “I’m 41 years old. Yes, I am proud and I have the energy of a 21-year old.”