• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Pinoy Boyband Superstar finalist Markus Paterson still planning to pursue a showbiz career

EXCLUSIVE: Pinoy Boyband Superstar finalist Markus Paterson still planning to pursue a showbiz career

Pinoy Boyband Superstar finalist Markus Paterson already has an endorsement and upcoming projects.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/7/2017 6:51 AM
EXCLUSIVE: Pinoy Boyband Superstar finalist Markus Paterson still planning to pursue a showbiz career


030717-MarkusPatterson_PUSH.jpgTuloy lang ang buhay para kay Markus Paterson kahit hindi siya napasama sa pito na bumubuo ng grupo ng Boyband PH at umabot lang hanggang top 12. Hindi naman daw niya gaanong dinamdam ang pangyayari dahil alam niya na meron pa ring magagandang opportunities na darating sa kanya.

“Medyo okey lang kasi kahit hindi ako natanggap. I wasn’t too disappointed with the result kasi I was happy at least nakapag-perform ako nang live. Yon lang po talaga ang dream ko, to perform live.

“So nu’ng tapos na yon, I was kontento na. Nung natanggal ako, okey na. May plano naman si Lord sa akin,” kuwento ng gwapong Fil-British na binata.

Hindi rin daw ganun kalaki ang naging expectations niya na manalo sa Pinoy Boyband Superstar.

“Hindi naman po talaga. I was just happy to be on the show, so masaya na po. Kaya hindi na rin po ako nagulat nu’ng una akong natanggal… nalungkot lang,” sabi pa ni Markus.

Looking back, sa palagay ba niya ano ang dahilan kung bakit siya na-eliminate kaagad?

“Sa tingin ko po yung song choice ko talaga the night I got eliminated. Yung song ko, medyo mataas po kasi yung tono na pinili ko. I should have done safe song lang kasi pero okey lang, at least I take risk,” paliwanag pa niya.

Winner si Markus at si Nicole Grimalt ng BNY NextGen search kaya automatic na sila after the contest ay sila na ang naging ambassador ng naturang clothing line.

Si Markus at Nicole ay kasama na nina Joshua Garcia at Michelle Vito sa pamilya ng BNY bilang mga celebrity endorsers.

Now after his first ever endorsement at ng Pinoy Boyband Superstar, desidido na ba si Markus na magtuluy-tuloy sa showbiz?

“Yeah, of course, I’ll do my best. Singing and acting lang po talaga yung dream ko. I’ll try my best to pursue that.

“Pero ngayon po, hindi pa muna priority yung acting kasi may mga upcoming projects pa akong gagawin. Hindi pa po puwedeng sabihin, sikreto lang po muna. It should be coming out soon,” balita niya.

Naisip ba niya nung bata pa siya na mapapasok talaga siya sa showbiz?

“Medyo po. Kasi nu’ng bata pa po ako non, mga six years old pa lang ako non, pinapasok na ako ng mama ko sa mga acting, theater… so ever since at a young age, ang balak talaga ng mama ko sa akin is showbiz, eh. Nag-e-enjoy naman ako,” sagot niya.

Ibinalita rin ni Markus na nagkakasama pa rin sila ng ibang contestants ng Pinoy Boyband Superstar kahit busy na ang grupo.

“We see each other regularly. We keep in touch.”

Sina Joao, Russel, at Mark Oblea rin daw ang maituturing niyang pinaka-close sa grupo.