• Home
  • Fresh Scoops
  • Elha Nympha on ‘Little Big Shots’ appearance: ‘Nagulat po ako na lahat po sila tumayo’

Elha Nympha on ‘Little Big Shots’ appearance: ‘Nagulat po ako na lahat po sila tumayo’

Elha Nympha recalls ‘Little Big Shots’ guest appearance.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/7/2017 6:53 AM
Elha Nympha on ‘Little Big Shots’ appearance: ‘Nagulat po ako na lahat po sila tumayo’


030717-ElhaNympha_PUSH.jpgSa TV Patrol, ini-ulat na nag-guest si The Voice Kids Grand Winner Elha Nympha sa American show na Little Big Shots. Ipalalabas diumano ang pagkanta ni Elha ng “Chandelier” sa naturang show.

Ani Elha kung paano ito nangyari, “nakita po niya yung performance ko po na ‘Emotions’ sa The Voice Kids po. Medyo kinakabahan po kasi baka iba po ang audience natin sa ibang bansa. Nagulat po ako na lahat po sila tumayo, konting whistle lang po tapos palakpak po agad sila.”

Pinost rin sa Facebook page ng The Voice sa US ang video ni Elha at sinabing tiyak na mapapaikot ang upuan ng kanilang judges kay Elha.

Hindi rin makakalimutan ni Elha ang byahe niya sa California kung saan sila nag-tape ng show. “Marami pong chance na nakapasyal po kami, tapos nagpunta po kami sa iba’t ibang amusement park po. First time po, sobrang saya po talaga.”

Gagawin diumano ng Kapamilya Network ang Little Big Shots sa Pilipinas. Ani Steve Harvey na host ng American counterpart nito, “You go take the whole show… these kids are so talented. Little Big Shots coming to the Philippines.”