• Home
  • Fresh Scoops
  • Teacher Georcelle shares who are G-Force’s ‘favorite’ students

Teacher Georcelle shares who are G-Force’s ‘favorite’ students

G-Force celebrates 10 years in the entertainment industry this 2017.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/6/2017 1:15 AM
Teacher Georcelle shares who are G-Force’s ‘favorite’ students


030617-Teacher-G.jpgG-Force celebrates 10 years in the entertainment industry this 2017. Masayang ipinagdiriwang ngayon ng isa sa mga in-demand dance groups ng bansa, ang G-Force, ang kanilang ika-sampung taong anibersaryo sa industriya na ma tagumpay na pinamumunuan ng sikat na celebrity choreographer na si Teacher Georcelle Dapat-Sy.

Sa naganap na press presentation ng G-Force sa kanilang dance studio, proud at hindi makapaniwala si Teacher Georcelle sa naabot na tagumpay ng dance group sa larangan ng pagsasayaw kasama ang mga sikat na bituin.

"Hindi ko nakitang ganitong kalaki ang maabot ng G-Force, pero trinabaho ko para maging ganito kalaki so I'm happy because of what I have dreamed before nangyayari na ngayon," proud na kuwento nito.

Sa sampung taon ng G-Force aminado si Teacher Georcelle na may mga artista siyang naging paboritong turuan. Kabilang dito si Sarah Geronimo at si Kathryn Bernardo, na nag-uumpisa na din na matuto ng pagsasayaw ngayon.

"Madami kaming favorites. Ang number one kasi sa G-Force ay kahit hindi ka marunong sumayaw basta determinado ka matututo ka. Iyan ang nakikita namin sa mga artista, pero siyempre andyan din ang magagaling sumayaw na – sina Enrique Gil, Maja Salvador, James Reid and Nadine Lustre. Siyempre may bago tayo si Kathryn Bernardo at siyempre si Sarah Geronimo, who’s a natural dancer talaga," sabi ni Teacher Georcelle. 





Aminado din si Teacher Georcelle na malaking pagbabago sa sampung taon ang konsepto ng sayawan. Aniya masuwerte siya dahil nagagawa nilang sabayan ang mga pagbabago na ito.

"Yung sayawan noon, iba na ngayon, and you have to accept that and you really have to grow with them and grow with the time.” 

Kasabay ng pagbabago sa panlasa sa mga sayawan ay ang parami at papalaking pamilya ng G-Force. Paliwanag pa ni Teacher Georcelle isang pamilya ang turingan ng kanyang members sa bawat isa kung kaya mahirap sa kanya kapag may mga miyembro siyang pinipili na mag solo na lamang.

"Every two years kasi we go to a transition and ang sinasabi ko nga every two years I get emotional. I'm so attached with all the members of G-Force but you know if they think the growth is not here in the G-Force Company, I would give them freedom. But my promise for people who stay in company and who really submit and stay is, I promise them growth," pagtatapos niyang kwento.