• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronwaldo Martin approves of Coco Martin’s rumored girlfriend Julia Montes

Ronwaldo Martin approves of Coco Martin’s rumored girlfriend Julia Montes

Ronwaldo also reveals his brother Coco has already met his girlfriend of three years.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/5/2017 11:37 PM
Ronwaldo Martin approves of Coco Martin’s rumored girlfriend Julia Montes


030517-RonwaldoMartin_PUSH.jpgInamin ni Ronwaldo Martin sa amin sa presscon ng pelikulang “Bhoy Intsik” na  halos tatlong taon na ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend. Naipakilala na rin daw niya ito sa kapatid na si Coco Martin.

“Na-meet niya na po yung girlfriend ko. Okey lang naman po sa kanya,” matipid niyang simula.

Eh, siya ba naman, na-meet na ba niya ang natsitsismis na girlfriend ni Coco na si Julia Montes?

“Hindi pa po, eh. Hindi pa po talaga,” pag-iwas niya.

Hindi ba nagpupunta sa bahay ng Kuya niya si Julia?

“Hindi po, eh.”

Naniniwala ba siya na sina Coco at Julia na?

“Hindi ko po alam kay Kuya, eh. Kasi personal niya naman po yon, eh.”

Pero alam ba niyang may ganung tsismis?

“Naririnig ko lang po.”

Boto ba siya kay Julia?

“Kung gusto po siya ni Kuya, bakit hindi naman po, di ba? Maganda naman po si Ate Jules (tawag niya kay Julia).”

Okay na ba sa kanyag mag-asawa si Coco?

“Opo.  Okay lang po. Depende po sa kanya kasi yon, eh. Desisyon niya naman po yon,” sambit ni Ronwaldo.

Bilang kapatid, mahigpit ba ang Kuya Coco niya?

“Istrikto po! Pinapayagan po naman niya akong lumabas pero may oras  po. Dapat hanggang 9 lang. Kailangang hanggang 9 lang tapos dapat nasa bahay na ako non.

“Pero pag nasa shooting, wala naman pong ganu’n. Iba yon kasi nasa trabaho naman ako. Sa gimik lang po yung dapat 9 nasa bahay na,” kuwento niya.

Samantala, after ba ng mga indie movies na nagawa niya ay balak na niyang mag-mainstream?

“Hindi ko po alam kay Kuya, eh. Si Kuya po ang nagdedesisyon sa ganyan. Kasi si Kuya po manager ko din saka si Kuya Ferdie (Lapus).  Siya din kasi yung nagde-decide sa akin kung tatangap ako o ano.”

Pero gusto na ba niyang mag-mainstream?

“Bahala po si Kuya sa akin,” pagdidiin niya.

Tinuturuan din daw siya ng kapatid nang tamang paghawak ng pera.

“Tinuturuan niya akong mag-ipon kasi kung ako po ang may hawak, siguro po ubos na yon.

“Magastos po kasi ako, eh. Pag kasama ko po yung mga kaibigan ko ako ang nalilibre,” pag-amin pa niya.

Type ba niyang mag-guest sa “Ang Probinsyano?”

“Gusto po sana kaso ayaw pa po ni Kuya, eh. Gusto niya pa po ako sigurong mahasa po sa indie… ganu’n.”

Gusto rin ba niyang sumikat gaya ni Coco?

“Sana po. Pero gusto ko po talaga sa indie po sana, eh. Gusto ko po parang si Kuya, sa indie dati tapos ano… kung papalarin po,” pagtatapos ng Ronwaldo.