• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Yen Santos on Piolo Pascual’s abs: ‘Kahit naka-relax, bakat na bakat!’

EXCLUSIVE: Yen Santos on Piolo Pascual’s abs: ‘Kahit naka-relax, bakat na bakat!’

Yen Santos talks about working with Piolo Pascual in her first movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/5/2017 9:18 AM
EXCLUSIVE: Yen Santos on Piolo Pascual’s abs: ‘Kahit naka-relax, bakat na bakat!’


030517-YenSantos_PUSH.jpgMay pa-abs si Piolo Pascual sa pelikula nila ni Yen Santos na Northern Lights na karamihan sa mga eksena ay kinunan pa sa New Zealand. Ayon kay Yen, kung noong una ay hindi niya matitigan ang mata ni Piolo sa first four scenes na ginawa nila, mas na-relax na raw siya sa eksenang topless si Piolo.

“Natitigan ko na (yung abs). Kasi nung time na syinut namin yon, ano na… patapos na yung shoot, so yung bonding nando’n na, eh.

“Siyempre, pagdating naman sa set kung kailangan gawin, para hindi na rin paulit-ulit, so kailangan ko talagang maging professional… kailangan naming maging professional,” kuwento ni Yen sa Push.com.ph.

Sanay na ba siyang makakita ng abs?

“Sa picture, oo. Pero sa totoong buhay, hindi,” pagtanggi niya.

“Abs kong abs talaga siya dito. Alam mo yon, yung kahit naka-relax siya, bakat na bakat yung abs niya. Ibang klase,” kinikilig pa niyang pahayag.

Patuloy pa ni Yen, ‘Hindi ko naman maiiwasan yon na tingnan kasi siyempre, naka-topless siya, nandiyan lang siya. Hahaha!”

Hindi rin daw maiwasang silipin niya ang abs ni Piolo.

“Siyempre, pagkakataon na yon,” sabay tawa niya nang malakas.

Ang Northern Lights ang first movie ni Yen at napakasuwerte niya na si Piolo Pascual agad ang nakapareha niya. Hindi ba parang ang hirap sundan no’

“Sabi ko nga, quota na po, eh. Okey na ako, tapos na yung laban, eh,” reaksyon niya.

“Pero siyempre, marami pa rin naman po akong gustong makapareha at pangarap makatrabaho. Ito po kasi, alam mo yung ultimate dream, ultimate leading man, siyempre siya yon, eh. Siya talaga yon Tito Leo.

“Kaya alam mo yung pakiramdam ko ngayon, sobrang overwhelming – lahat ng nangyayari kasi lahat ito bago sa akin. Unang pelikula, tapos si Piolo pa, tapos nagsyut pa sa ibang bansa. Talagang ano po, ang sarap sa pakiramdam, nakakataba ng puso,” paliwanag ng dalaga.

May pahayag naman si Yen sa kumukwestyon kung bakit siya agad ang ginawang leading lady ni Piolo sa malaking projects na tulad ng Northern Lights. Paano ba niya mapapatunayan na karapat-dapat talaga siya sa project?

“Ako po kasi, hindi ko po ini-expect, eh. Hindi ko po akalain na maibibigay ito sa akin. Maski po ako nung una, nagtanong din po ako, ‘Bakit ako?’ Pero siyempre, sabi ko nga lahat naman may chance, so ako yung sinuwerte na mabigyan,” katwiran niya.

Palabas na sa March 29 ang Northern Lights. Produced ito ng Regal Entertainment, Star Cinema at Spring Films. Kasama rin sa cast ng pelikula si Raikko Matteo under the direction of Don Santos.