• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Raymond Francisco explains why he’s not a ‘millennial type of gay’

EXCLUSIVE: Raymond Francisco explains why he’s not a ‘millennial type of gay’

‘Bhoy Intsik’ lead actor Raymond Francisco admits he prefers straight guys.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/5/2017 9:14 AM
EXCLUSIVE: Raymond Francisco explains why he’s not a ‘millennial type of gay’


030517-RSFrancisco_PUSH.jpgKahit lantad na bading sa showbiz ay hindi pala mahilig sa beauty contest ang stage actor/commercial director at bida ng Sinag Maynila film na Bhoy Intsik na si Raymond (formerly RS) Francisco.

“Hindi ako mahilig sa mga Miss Gay, Miss Universe. Like yung Miss U recently, kausap ko si Gretchen (Barretto), ‘Honey, mag-i-start na yung Miss Universe, watch us.’ Sabi ko, ‘Girl, patulog na ako. I don’t like mga Miss U na yan, kayo na lang, balitaan mo na lang ako.’ I don’t even know the beauty queens,” kuento niya.

May paliwanag din siya kung bakit ginawa na niyang Raymond at hindi na RS ang kanyang pangalan.

“Ferdie Lapus said, for international screenings dapat full name. Mas seseryosohin daw ako kung ang gagamitin kong pangalan is Raymond which is my real name din talaga,” katwiran niya.

Hirit pa niya, “Hindi naman talaga ako RS, eh. Raymond naman talaga ang pangalan ko, kaya lang naging RS dahil sa M Butterfly. Kasi sa M Butterfly I played a girl, not bading ha, I played a woman.”

Ano bang part ng totoong Raymond yung gay na gay?

“Yung attraction to male siguro. Pero alam mo, I don’t play dolls kahit nung bata ako. Kaya nga, honestly when I’m given a role na bading na ganu’n-ganu’n, yon ang inaaral ko, kasi hindi ako ganu’n talaga.

“Tsaka alam mo, ang level ng bading sa Pilipinas napaka-devious, di ba? May paminta, silahis to bisexual, to curious lang, parlorista, scheming faggot, beauconera, transsexual, pero lahat naman yan iisa, madami lang talagang tawag dito sa Pilipinas,” kuwento pa niya.

Inamin din ng actor-director na mas gusto niyang karelasyon ang mga straight guys.

“Hindi ako yung millennial bading na pag bading ka, bading ako, magdyowa tayo. Very ‘80s ako, na sa relasyon ako yung pa-girl.”

Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang huling pakikipagrelasyon niya dahil hindi niya alam na bading din pala ito.

“Natanso na ako. Akala ko straight siya kaya ko dyinowa. Sinabi niya, ‘Ang gwapo ni ____ (name ng isang sikat na actor), crush ko yan.’ So don ako na… oh, my God, kaya hiniwalayan ko na. Kasi gusto ko nga straight. Ganun kasi yung mga ‘80s na mga bading.

“Kasi yung mga ‘90s to 2000 na bading ang gusto paminta to paminta. Lalo na ngayon, paminta to paminta na talaga. Ayaw na nila sa mga straight,” he said.

Careful na rin daw siya ngayon sa mga lalaking may abs.

“Alam mo, yung mga paminta, lahat yan may mga abs. Tapos sila-sila. Sa loob-loob ko, ay sayang naman. Hindi rin kasi malakas ang gaydar ko, eh. Natatanso ako. Hindi ako magaling mang-amoy. Hindi ko nga maamoy ang sarili ko, eh, ang lansa ko,” pabiro niyang pahayag.

Kasama ni Raymond sa Bhoy Intsik si Ronwaldo Martin, Jeric Raval, Shyr Valdez at marami pang iba. Sa direksyon ito ni Joel Lamangan.