• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Pinoy chef Jeremy Senaris joins MasterChef Canada season 3

EXCLUSIVE: Pinoy chef Jeremy Senaris joins MasterChef Canada season 3

MasterChef Canada contestant Jeremy Senaris is very Pinoy at heart.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/5/2017 9:14 AM
EXCLUSIVE: Pinoy chef Jeremy Senaris joins MasterChef Canada season 3


030517-MasterChef_PUSH.jpgProud ang Pinoy chef na naka-base sa Canada na si Jeremy Senaris dahil nakapasok siya sa latest edition ng sikat na reality series na Master Chef Canada. Sa ating exclusive phone interview kay Jeremy, inilahad niya ang kanyang naging journey upang makilala sa isang foreign country.

"Pinalaki po ako ng parents ko na pinoy na pinoy kami. Marunong ako mag Tagalog at Tagalog ang usapan sa bahay namin. Kahit dito na ako sa Canada ipinanganak. Nakaka-proud po na isa akong Filipino."

Taga-Cavite ang mga magulang ni Jeremy at halos tatlong dekada na ng mag migrate ang mga ito para sa mas maayos na buhay. Habang lumalaki sina Jeremy, masasarap na pagkaing Pinoy ang lagi nakahanda sa kanilang mesa.

"I love adobo, sinigang, and lumpia. Whenever na niluluto ko ito, everyone eats a lot."

May mga paborito ring Pinoy personalities si Jeremy dahil madalas din siyang nanonood sa TFC.

"Gusto ko sina Anne Curtis and Bea Alonzo. They’re very talented and beautiful"

Plano ni Jeremy na muli bumisita sa Pilipinas para mas lumalim pa ang kanyang kaalaman sa bansang pinagmulan ng kanyang pamilya.