Awra Briguela on Vice Ganda: ‘Hindi siya selfish’

Awra Briguela talks about showbiz, his family and his friendship with Vice Ganda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/6/2017 1:01 AM
Awra Briguela on Vice Ganda: ‘Hindi siya selfish’


030617-Aura.jpgSa Rated K, ikinwento ni Mcneal Briguela o ang batang mas kilala sa pangalang “Awra” 

kung paano nagbago ang buhay niya matapos siyang maging isang online sensation.  

“Sabi ko ano na ba ‘tong nangyayari na sa akin? Parang kahapon lang nag-video kami ngayon nasa TV na ako,” kwento niya.  

Noon pa man gusto daw niya talagang mag-artista. “Kasi nakikita ko lahat ng nag-aartista gumaganda ang buhay. Gusto ko talagang makatulong sa pamilya ko,” sabi pa ni Awra.  

Pero hindi perfect ang buhay ni Awra, kasi meron din siyang mga ‘hugot.’ Aniya, eight years ago nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at kahit masakit ay tanggap na ito ni Awra sa kanyang murang edad. 

“Tanggap na po. Kasi sa daming hamon, sa daming masasayang nangyari sa buhay ko, tatanggapin ko na rin po kasi yun naman talaga mas makakabuti sa kanilang dalawa. Mas makakabuti sa aming mga bata,” paliwanag ng batang aktor.  

Sa iba pang pagbabago sa kanyang buhay, sinabi ni Awra ay hindi na siya masyadong nakakapaglaro at aral tulad ng dati. 

“Dati parati akong nasa school. Ngayon module na lang, home study. Saka dati po parati akong nasa bahay, naglalaro. Ngayon po, hindi na ako masyadong nakakauwi ng bahay kasi puro taping na. Pero ang maganda naman po, ngayon sobarang sikat ko na. Nakakatulong na ako sa pamilya ko, meron na akong perang naipon para sa future ko, at nakikita ko naman talaga na napakaraming taong napapasaya ko.”

Naging kaibigan at nanay-nanayan din niya si Vice Ganda. Pinagshopping pa siya nito ng worth P50,000. Kwento ni Awra, “Sobrang naloka ‘te. Oh my god, ang dami ko nang bagong damit at dun ko napatunanyan na sobrang bait ni Ate Vice at hindi siya selfish.” 

Sa lahat ng pinagdaanan ni Awra, isa lang ang pinaghuhugutan niya ng lakas, na alam niyang nandiyan para sa kanya kahit hindi na siya sikat at yun ay ang kanyang pamilya. 

“Mawala man ako sa showbiz kahit hindi na ako sikat, okay lang sa kin yun. Basta nandiyan sila sa tabi ko. Basta nandiyan sila okay na ako.”