Ai-Ai Delas Alas reacts to Kris Aquino's TV comeback

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/5/2017 9:16 AM
Ai-Ai Delas Alas reacts to Kris Aquino's TV comeback


030517-AiAiDelasAlas_PUSH.jpgFit at looking good ngayon ang comedy queen na si Ai-Ai Delas Alas sa naganap na contract signing nito para sa panibagong pelikulang kinakasa ng Cineko Productions na nakatakdang mag-umpisa ngayong taon.

Mula sa debut film ng Cineko production na Mang Kepweng Returns na pinagbibidahan ni Vhong Navarro, positibo ang grupo na muling mamayagpag ang comedy sa pagbabalik ni Ai-Ai sa big screen.

Kuwento ni Ai-Ai, na-enganyo siya na makipagtrabaho sa Cineko dahil sa naging magandang paglalahad sa kanya ng proyekto nito.

"Alam ko kasi sila ang nag-produce ng Mang Kepweng and direk GB Sampedro ay barkada ko na director ng Mang Kepweng. Sa kuwento ni GB pinupuri niya ang Cineko production, samahan mo pa ng Ricky Lee and Joel Lamangan ang hahawak ng movie So... mas lalo ako napa-oo. Iba kase ang partnership," panimula ni Ai-Ai.

Pagbibiro din ng komedyana, mistulang panlaban sa international film festival ang kalibre ng kanyang mga makakasama.

"Ewan ko nga e, nakakatawa ko pang Urian ata ito, mga International level. Hindi comedy ‘to pero kakaiba kasi Ricky Lee and Joel Lamangan pero comedy," pabiro ni Ai-Ai.

Dahil sunod-sunod nga ang mga movie projects ngayon ng komedyana, aminado siya na open siya na subukan ang mga movie producers

"Siyempre para masubukan mo din kung okay ang iba, para iba naman ang makakasama mo. Maganda din kasi nagtutulungan ang mga artista at mga production staff. Mas maraming work, mas masaya," aniya.

Paglilinaw naman ni Ai-Ai, tuloy pa din ang kanyang pelikula sa pamumuno ng Star Cinema at any time ay mag uumpisa na din ito.

"Oo go pa din ang Star Cinema. Ang alam ko by April yun. Nauna mag-deal ang Star, pero nauna mag shoot ang Cineko. Depende din kasi kung sino ang una matapos at kung sino mag-desisyon."

Naitanong din natin sa komedyana ang mga balibalitang pagbabalik telebisyon ni Kris Aquino sa kapuso network. Pero ayon kay Ai-Ai, "Hindi ko talaga alam... Sa totoo lang wala akong alam. Tinanong ko na din e, hindi nila ako masagot kasi mga hindi din nila alam. Kaya hindi ko din masagot. Abangan nalang natin kung meron nga siyang show. Sabi ko nga e sa Sunday noontime shown ba iyan?” pagbibiro pa nito.

Pakiusap naman ni Ai-Ai, wag lang sana sila surpresahin kung sakaling bumisita nga ito minsan sa kanilang Sunday noontime show.

"Tawa sila ng tawa, kasi sabi ko sabihan niyo lang ako baka 'Ayy! Tayong dalawa magkasama?' Nakakaloka wag naman sana mang surprise baka mamaya lahat kami magulat sa show," pagtatapos ni Ai-Ai.