• Home
  • Fresh Scoops
  • Lani Mercado reveals Bong Revilla sent chocolates to Leila De Lima

Lani Mercado reveals Bong Revilla sent chocolates to Leila De Lima

Lani Mercado says she sympathizes with Leila De Lima in her current situation.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/4/2017 9:38 AM
Lani Mercado reveals Bong Revilla sent chocolates to Leila De Lima


030417-LaniMercado_PUSH.jpgSa naganap na birthday celebration ni Congressman Strike Revilla kasama ang kanyang mga kababayan sa Bacoor, Cavite, nakapanayam natin ang maybahay ni Senator Bong Revilla na si actress-politician Lani Mercado tungkol sa kanyang mga saloobin niya sa pagkakapiit ni Senator Leila De Lima.

Matatandaan na hindi naging maganda ang relasyon ni Senadora De Lima sa kapwa Senador nito na sila Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Kontrobersyal at mainit na pinagusapan kamakailan ang pagkakapiit ng senadora dahil sa pagkaksangkot umano nito sa mga malalaking drug syndicate sa loob ng mga piitan.

Napapaligiran man ng kontrobersya, nanatili pa din ang kababaan ng loob ng mga Revilla para sa pinagdaraanan ng senadora.

"Siguro all I can say Senator Bong sent her chocolates with a note at talagang mabait ang asawa ko ayun ang masasabi ko. He has a good heart," panimula ni Lani.

Kuwento pa ni Lani, marami man ang babato ng negatibong bagay sa kanila at kanyang pamilya, buo at totoo ang kaniyang intensyon na ipagdasal ang senadora sa kabila ng pinagdaraanan nitong pagsubok ng mag-isa ngayon sa piitan.

"I'm really praying for her, kung nakikitaan ng kahipokritahan ang mga sinasabi ko, nakita ko may mga negative comments pa about us… pero I'm really praying for her kasi she's alone in her section. At least si Senator Bong and Senator Jinggoy ay magkasama so she's alone, I don't know if she has a family, I don't know if she has children, I know her partner is not with her so I'm really praying for her," paliwanag ni Lani.

Malaki naman ang pasasalamat ni Lani na kahit na dumaan ang kanyang pamilya sa mga kontrobersya, nanatiling buo ang suporta ng bawat isa sa kanila.

"Sa side naming pamilya, ay buo ang family support very strong. And andito kami, ako bilang asawa, ang mga anak namin, mga apo namin, hindi lang apo anak namjn kundi mga kapatid namin. So at this point in time at lowest moment,  ang kailangan talaga ay ang family support around her."

Dagdag pa ni Lani, umaasa din siya na darating ang araw ay magkakaroon  magandang samahan at pagkakaibigan sa pagitan nina De Lima at kanyang asawa.


"Walang problema para sa amin. Anybody is welcome to visit Bong in Camp Crame. They are almost in one area, Sabi ko nga in my speech noong Monday, 'Nothing is impossible with God.' Malay mo bakit doon siya dinala. Malay mo it's an opportunity na magkaroon ng kaayusan ang mga tao at maging magkaibigan ang mga nasa Crame, and hindi imposible yon at hindi ko din nakikitaan ng maling kaganapan yun kung mangyayari yun," pagtatapos ni Lani.