• Home
  • Fresh Scoops
  • Star Music artist LA Santos says his mother’s love and music helped him overcome his ADHD

Star Music artist LA Santos says his mother’s love and music helped him overcome his ADHD

Star Music artist LA Santos says his mother’s love and music helped him overcome his ADHD

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/31/2017 9:40 AM
Star Music artist LA Santos says his mother’s love and music helped him overcome his ADHD


033017-LaSantos_Push.jpgVery inspiring ang life story ng new Star Music artist na si LA Santos. Dati siyang merong ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) at first stage ng autism, pero nagpatagumpayan niya ang lahat hanggang sa tuluyan siyang gumaling.

Ayon sa binata who is now 17 years old, malaking factor ng kanyang paggaling ang unconditional love at suportang ipinakita ng kanyang ina (Mommy Flor).

Sambit pa niya sa presscon ng kanyang self-titled album, “mother’s love” ang nagpagaling sa kanya.

Ibinahagi naman ni Mommy Flor kung ano ang kanyang ginawa para gumaling ang anak.

“Siguro po, bukod doon sa medicines dati ni LA, bukod po doon sa mga kapatid ko, wala pong ibang nakagaling kay LA kungdi ang pang-unawa ng isang magulang,” pahayag niya.

Patuloy pa ng ina ni LA, “Pinuwersa ko siyang mag-swimming, pinuwersa ko siyang mag-taekwondo, during that time, pag nagta-taekwondo siya, duguan na siya, parang ako na ‘yung gustong sumuntok sa kalaban niya.

“Pinuwersa ko siyang mag-soccer, pinuwersa ko siya para lang every time na may dull moment siya, may ginagawa siya.”

Malaking tulong din daw kay LA para mas gumaling sa sakit nito ay ang musika.

“Dumating na lang po ang panahon na ito pala ang makapapagpasaya kay LA -- ‘yung music. So, I think, music is one of the best treatment kay LA ngayon,” sey pa ng butihing ina.

Masayang-masaya naman si LA sa pagtitiwala ng Star Music sa kanya.

 “I feel very thankful, thankful ako to my mom, sa lahat ng mga tumutulong sa akin para mangyari ito. Kasi talagang hindi ko kakayaning gawin na mag-isa ito.

“I know, not every person get this chance po na maging Star Music artist or mag-release ng album po kaya now words can explain how much I’m feeling grateful,” pahayag naman ni LA.

Para rin sa binata, gusto niyang maging inspirasyon at magandang halimbawa sa mga kabataang may karamdaman at halos nawawalan na ng pag-asa.

 “Usually, yung mga ibang tao naggi-give-up agad-agad, parang they don’t do anything na parang hindi na nila ginagawan ng paraan po. Gusto kong maging image para sa kanila, na lahat puwedeng mangyari, na kung may pangarap ka puwedeng matupad,” he said.

Samantala, may 9 tracks ang kanyang selt-titled album. Kabilang dito ang mga kantang “Miss Terror,” “Mine,” “Ikaw Kasi,” “Bakit Ang Pag-Ibig,” “Hanggang Kailan,” When I Was Your Man,” “Forever's Not Enough,” “One Greatest Love” and “Tinamaan.”