• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli shares details on his birthday celebration in Cebu with Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli shares details on his birthday celebration in Cebu with Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli admits he did not expect Sarah Geronimo to show up in Cebu for his birthday.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/31/2017 9:43 AM
Matteo Guidicelli shares details on his birthday celebration in Cebu with Sarah Geronimo


033117-MatteoGuidicelli_PUSH.jpg

Sa naganap na media launch ng upcoming movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Can't Help Falling in Love, present at game na game na nakipagkuwentuhan ang tumatayong third wheel sa pelikula na si Matteo Guidicelli.

Dito naibahagi ni Matteo ang kanyang naging simple at masayang birthday celebration sa Cebu kung saan surpresa ang pagdalo noon ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Kuwento ni Matteo, hindi niya inakala na darating si Sarah kung kaya labis ang kanyang saya noon.

"Yes, she was there, very happy because my whole family is complete including her," masayang pahayag ni Matteo.

Kuwento pa ng binata, hindi na naging importante sa kanya kung ano ang regalo ni Sarah para sa kanya.

"Her time and ayun it's more than enough," nakangiting sabi ni Matteo.

Aniya, simple lang talaga ang naging plano niya para sa kanyang kaarawan.

"My plans is just to stay with the family, of course. I knew that she was busy with The Voice but she surprised me and that was very, very nice and I really didn't expect so it was extra nice," sabi pa ni Mateo.

"It exceeded in my Birthday wish so very, very nice. We just spent time with the family. It's always precious to stay with the family of course."

Dahil pareho na nasang tamang edad sila, naitanong din kay Matteo kung sumasagi naba sa isip nila ang pagpapakasal.

"It's nice, it really makes you smile kasi people are actually happy and good vibes about it so it inspires you. But, it's for us to decide when, if it will happen it happen," paliwanag ni Matteo.