• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla on Kathryn Bernardo wearing a two-piece swimsuit: ‘Hindi pa ako ready”

Daniel Padilla on Kathryn Bernardo wearing a two-piece swimsuit: ‘Hindi pa ako ready”

Daniel Padilla admits Kathryn Bernardo and he are already an item.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/31/2017 8:40 AM
Daniel Padilla on Kathryn Bernardo wearing a two-piece swimsuit: ‘Hindi pa ako ready”


033017-Kathniel1_Push.jpgSa TV Patrol, napapagod na diumano si Teen King Daniel Padilla sa paulit-ulit na tanong kung sila na nga ba ni Teen Queen Kathryn Bernardo. Lagi din niyang sagot dati ay “alam niyo na yun.”

Aniya sa media launch ng pelikula nilang Can’t Help Falling In Love, “exclusive po kami sa isa’t isa. Pag sinabi ko yung alam niyo na yun nakakabad trip na.” Nang tanungin naman kung, “yun na rin ba yung kayo na,” ang sagot ni Daniel ay, “sa isa’t isa, meaning ganun na nga.”

Kamakailan lang nagkasyon ang dalawa sa Palawan kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya para sa 21st birthday celebration ni Kathryn.

Mas daring ngayon ang mga social media photos ni Kathryn pero pag-amin niya, strict si Daniel sa sinusuot at pino-post niya. “Papa-approve ko muna kung pwede.”

Nang tanungin si Daniel kung pwede na mag-two piece si Kathryn, aniya, “hindi pa. Wag muna, wag muna. Hindi pa ako ready. Ayoko siya makita ng mga ibang lalaki na ganun.”