Sa TV Patrol, excited na si Kapamilya Star Anne Curtis sa nalalapit niyang wedding sa kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff. Nang tanungin siya kung ano ang nagpapangiti sa kanya, sinabi niyang, “the wedding preps I guess…”
Hindi pa rin nila napag-uusapan ni Erwan kung ano ang mga bagay na isasapubliko nila. “We have yet to talk about that, like how we're going to go about that, but as of now we have officially started planning.”
Kilalang fashion icon si Anne, pero ito ang isang pagkakataon na hindi siya magsasalita tungkol sa isusuot niya sa kasal. “No, I think, that I’m going to save as a surprise para naman may element of surprise of what I’m going to be wearing.”