• Home
  • Fresh Scoops
  • Millennial millionaire Garrett Gee confesses he doesn't even buy shampoo

Millennial millionaire Garrett Gee confesses he doesn't even buy shampoo

Millennial millionaire Garrett Gee gives tips on how to be frugal

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/30/2017 8:42 AM
Millennial millionaire Garrett Gee confesses he doesn't even buy shampoo


033017-GarrettGee_Push.jpgSa TV Patrol, nagbigay ng advice ang 26-year-old multi-millionaire na si Garrett Gee kung paano maging katulad niya.

Aniya, “the most important thing is just learning your self-value, kind of figuring out that you’re an incredible person. You’re an important person, you have a lot of talent and potential inside you.”

Para rin sa kanya hindi naman “entitled” ang mga millennials katulad niya. “Millennials believe they can achieve anything.”

Binenta ni Garrett ang kanyang software na Scan sa Snapchat sa halagang 54 million US dollars. Siya rin ang padre de pamilya ng tinaguriang “bucket list family.” Nalibot na nila ang maraming bansa at big hit ang YouTube channel nila.

At kahit milyonaryo na ay nagtitipid pa rin si Garrett at ang kanyang pamilya. “We find little ways to be very cheap and frugal.” Isang example ni Garrett ay hindi na sila diumano bumibili ng shampoo at conditioner. “We just collect it from hotels.”

Ang kinita rin ni Garrett sa pagbenta niya ng Scan ay nakalagay sa bangko at binenta nila ang lahat ng ari-arian para makapag-travel silang buong pamilya.