• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Rodjun Cruz shares secret to his 10-year relationship with Dianne Medina

EXCLUSIVE: Rodjun Cruz shares secret to his 10-year relationship with Dianne Medina

Rodjun Cruz says he and Dianne Medina are still focused on their careers for now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/30/2017 9:41 AM
EXCLUSIVE: Rodjun Cruz shares secret to his 10-year relationship with Dianne Medina


033017-RodjunCruz_Push.jpgTen years nang magkasintahan sina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Pero kahit umabot na ng isang dekada ang kanilang relasyon, wala pa rin daw silang balak magpakasal.

“Kami po kasi, si Dianne kasi po focus sa work. Pareho kaming dalawa. Pero darating din po tayo diyan.

“Akala nga ng iba, parang bago pa lang yung sa amin, pero 10 years na po kami. Ang tagal na din po,” pahayag ni Rodjun.

Sa loob ng 10 taon, walang natatandaan si Rodjun na nagkaroon sila ng matinding away ng aktres na girlfriend.

“Minsan, asar-asaran lang, lambingan lang, pero yung away talaga na matindi, wala po, eh.

“Siguro, ang sikreto kasi namin, kapag magsisimula pa lang yung away o alam mong lalaki, nag-uusap agad kami, pinag-uusapan po namin bago pa lumaki. And kung may problema man kami, hindi na namin pinapalabas sa paligid namin o sa ibang tao… kami na lang yung umaayos agad,” deklara niya.

Pero hindi naman itinanggi ni Rodjun na kahit papaano ay napag-uusapan na rin nila ni Dianne ang kasal.

“Oo, napag-uusapan naman namin yon. Siyempre, magiging plastic naman ako pag sinabi ko na hindi, di ba? Napag-uusapan po namin pero hindi namin minamadali. Pinagdadasal po namin yon. In God’s time po,” katwiran niya.

Dagdag pa ng aktor, “Pinagdadasal ko rin kay Lord na sana si Dianne na talaga, kasi hindi naman tatagal ng 10 years kung hindi ko mahal yung tao. Tsaka yung family niya, sobrang bait po sa akin, ipinagdadasal ko kay Lord na, siyempre, i-guide niya kami at samahan niya kami sa relationship namin para pagdating sa dulo kami pa rin ni Dianne.”

Sa palagay niya, ilang years pa bago sila magpakasal ni Dianne?

“Mararamdaman ko naman yon, eh. Basta.

“Hindi naman namin kailang ma-engage na o magpakasal, alam naman ni Dianne na sigurado ako sa kanya at siya rin naman sigurado sa akin. So, tiwala lang. Ngayon kasi, ang maganda sa aming dalawa, mas matured na kami at saka sinusuportahan namin ang bawat isa,” nakangiting pagtatapos ni Rodjun.