• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga reveals how she dealt with postpartum depression

Toni Gonzaga reveals how she dealt with postpartum depression

Toni Gonzaga has advice for moms dealing with postpartum depression.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/29/2017 8:50 AM
Toni Gonzaga reveals how she dealt with postpartum depression


032917-ToniGonzaga_PUSH.jpgBlooming at tila wala ng bakas ng pinagdaanang pagbubuntis ang kapamilya actress at host na si Toni Gonzaga nang nakapanayam natin ito sa press visit sa The Voice Philippines Teen edition nitong weekend.

Bukod sa pagbabagong pisikal sa kanyang katawan, kuwento ni Toni nagbago na din ang kanyang pananaw ngayong isa na siyang ganap na ina.

"Parang iba na ang affiliation ko sa mga bata, parang mas naapektuhan ako. Dati kasi as an artist ganyan din ang narandaman ko noon pag Oo- audition, ngayon mas nakaka-relate ako sa feelings ng mga magulang."

Dagdag pa Toni, kasabay ng pagbabagong ito ang pagiging attached niya sa kanyang anak na si Baby Seve.

"Parang kapag nagka-anak ka pala your heart goes out of your body. Parang it’s like seeing your heart walk around," sabi pa ni Toni.

Dahil malapit na mag-celebrate ng kanyang first birthday ang kanyang first baby, naitanong din sa TV host kung kailan niya plano sundan ito.

"Nanaginip nga ako buti nagising ako ginising ko talaga ang sarili ko. Buntis daw ako! Sabi ko anim na buwan pa lang si Seve bakit buntis na naman! Buti na lang panaginip lang!" masayang kuwento ng aktres.

Aniya, wala pa sa plano niya na sundan ito sa ngayon dahil nais muna niya mag recover sa panganganak.

"Siguro in two to three years? Kung pwede five years?! (Laughs) Ire-recover ko muna!"

Bukod sa pisikal na recovery naibahagi din ni Toni ang kanyang pag-recover sa pinagdaanang postpartum depression na karaniwan pinagdaraanan ng mga kababaihan pagkatapos manganak.

"Lagi ako naiiyak kapag nasa CR ako kasi halimbawa, tapos na ako mag breastfeed ang sakit na ng dibdib ko, ang sakit na lahat. Tapos punta ako sa CR, magbibihis ako tapos iiyak siya kasi yung first few months na magkahiwalay kami nararamdaman nya eh," pagbabahagi pa ni Toni.

Dahil dito nagbigay payo din ang TV host sa mga nanay na kagaya niya kung paano tutulungan ang sarili mula sa postpartum depression.

"Ang advice ko sa mga nanay pagkatapos nyo manganak, wag kayo mapag-isa. Kausapin niyo mga kasama nyo sa bahay, nanay niyo, kapatid niyo."

Samantala nagpaliwanag din si Toni sa naging desisyon nila ng kabiyak na si Paul Soriano na gawing mas simple at kaunti ang mga ninong at ninang sa naganap na binyag ni Baby Seve noong March 19 kung saan isa sa ninang ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

"Ang paniniwala namin ni Paul being a ninong and a ninang is such a big responsibility na if anything happens family member ang mag aalaga sa kanya," pagtatapos na kuwento ni Toni.