• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual and Yen Santos share excitement over opening of their first movie together

Piolo Pascual and Yen Santos share excitement over opening of their first movie together

Piolo Pascual and Yen Santos say they put in a lot of hard work for ‘Northern Lights: A Journey to Love’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/29/2017 8:46 AM
Piolo Pascual and Yen Santos share excitement over opening of their first movie together


032917-PioloYen_PUSH.jpgStar-studded ang naging premiere night ng latest movie ni Piolo Pascual na Northern Lights: A Journey to Love kung saan kasama niya ang kanyang bagong leading lady na si Yen Santos.

Kabilang sa mga dumalo at nagbigay suporta ang malalapit na kaibigan ni Piolo gaya ni Iza Calzado

Erich Gonzales

Gerald Anderson

Coleen Garcia

at ang nag-iisang anak ni Piolo na si Iñigo Pascual.

Present din sa premiere ang ABS-CBN executives kabilang na si Ms. Charo Santos.

Sa panayam na ito, pinasalamatan nila Piolo at Yen ang lahat ng nagbigay oras para sumuporta sa kanila.

"Nagpapasalamat po kami sa lahat ng supporters na nagbigay ng kanilang mga oras para samahan kami ngayong gabi. Excited na po kami na maibahagi sa inyo ang aming pelikula na pinaghirapan at sana po mag enjoy po kayo," pahayag ni Yen.

Masaya at excited naman si Piolo para sa outcome ng kanilang pinaghirapan na pelikula.

"I'm just really happy and finally this is it. For now mapapanuod na po natin ang aming pinaghirapan. Medyo matagal tagal din namin hinintay na maibahagi namin ito sa mga manunuod," sabi pa ni Piolo.

Mapapanood ang Northern Lights: A Journey to Love simula March 29 sa mga sinehan nationwide.