• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Janus del Prado on quitting smoking: ‘Ang hirap ng withdrawal, para kang may trangkaso’

EXCLUSIVE: Janus del Prado on quitting smoking: ‘Ang hirap ng withdrawal, para kang may trangkaso’

Janus del Prado admits he started smoking at the age of 12.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/29/2017 8:43 AM
EXCLUSIVE: Janus del Prado on quitting smoking: ‘Ang hirap ng withdrawal, para kang may trangkaso’


032917-JanusDelPrado_PUSH.jpgMaagang natutong magsigarilyo ang aktor na si Janus del Prado. At the age of 12 ay humihitit na raw siya ng yosi.

“Kasi nu’ng time na yon, hindi ka kasama sa usapan kung hindi ka nagyoyosi, kasi lahat nagyoyosi. All the cool kids are smoking. Kaya nga ang suwerte ng era ngayon, hindi na cool magyosi. Ang mga nagyoyosi ngayon, nilalayuan,” kuwento ni Janus sa Push.com.ph.

Pero ngayon daw ay desidido na siyang mag-quit sa paninigarilyo dahil sa pagkakaroon ng health problem ng kaibigan niyang director.

“Yung friend ko na si Direk Dan (Villegas), pareho kaming malakas manigarilyo, so yon, naisip ko na mag-quit na rin sa pagyoyosi.

“Last week ng Feb lang ang nagsimulang mag-quit. Nag-shift kasi ako sa vaping which is mas mababa yung nicotine level, pero eventually, aalisin ko na rin yung nicotine.”

Ayon kay Janus, mahirap talagang mag-quit sa paninigarilyo.

“Ang hirap ng withdrawal, grabe. Para kang may trangkaso. Parang lahat ng joints mo may gout, parang ganu’n yung pakiramdam, ang sakit ng ulo mo. Tapos hindi ka makagalaw basically for the first three days.

“Tapos ubo ka lang nang ubo, mainit ulo mo – iba-iba, eh. It varies sa mga tao kung gaano ka kalakas magyosi,” pahayag ng aktor.

Desidido raw naman siyang ihinto talaga ang paninigarilyo kahit hirap na hirap siya sa umpisa.

“Nag-quit na rin kasi ako dati, 2010 yon, kaso nga lang ang problema bumalik ulit ako ng 2013… Etong ginagawa ko ngayon, seryoso na talaga ako kasi nakakatakot na.

“I’m only 33, tapos hindi ka makapag-exercise nang hindi ka hihingalin. Actually, nakakatulong din sa pagku-quit yung mag-sauna ka, yung legit na sauna, ha,” sabay tawa niya nang malakas.

Patuloy pa ng aktor, “Yung papawis talaga sa legit na sauna, every other day, mga 30 minutes lang, kasi naaalis agad sa dugo mo yung nicotine. So yon, hindi ako masyadong nahirapang mag-quit ngayon kagaya ng dati.”

Samantala, kasama si Janus sa pelikula ng Star Cinema na Can’t Help Falling In Love na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na showing sa April 15. Pinsan daw siya ni Daniel sa pelikula.