• Home
  • Fresh Scoops
  • Annabelle Rama confirms ABS-CBN has an offer for Richard Gutierrez

Annabelle Rama confirms ABS-CBN has an offer for Richard Gutierrez

Annabelle Rama admits Richard Gutierrez is picky with his projects nowadays.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/29/2017 8:52 AM
Annabelle Rama confirms ABS-CBN has an offer for Richard Gutierrez


032917-AnabelleRama_PUSH.jpgAyon kay Annabelle Rama, gusto nang makabalik sa telebisyon ng anak niyang si Richard Gutierrez at makagawa ng projects na hindi niya noon nagawa sa GMA-7. May alok din daw kay Richard ang ABS-CBN pero wala pa raw silang desisyon tungkol dito.

“Depende kasi kung ano ang magiging offer. Kung magustuhan niya, matutuloy siya,” pag-amin ni Tita A (tawag kay Annabelle) nang humarap siya sa ilang entertainment press para sa pocket presscon ng talent niyang si Kara Mitzki sa opisina ng Viva Artists Agency.

Hindi pa rin daw napa-finalize ang offer at wala pa rin silang napapagmitingan.

“Kasi offer pa lang, malay mo, hindi niya gusto. Hindi ko pa alam kasi nasa abroad siya, eh,” sey pa ni Tita Annabelle.

Mas madalas daw mag-travel ngayon si Richard kasama ang kanyang mag-inang sina Sarah Lahbati at Baby Zion kaya hindi rin ito active sa showbiz.

“I cannot blame him. Marami siyang pera. He can afford to travel anywhere. Nag-i-enjoy lang siya.

“Sabi niya sa akin kasi, pag wala naman ding magandang offer… pero kung may magandang offer talaga na hindi pa niya nagawa noon, baka sakali.

“Sabi pa nga niya, ‘Mommy, o-offer-an ka ng ganyan-ganyan, napaka-trying hard ko naman, kung ako wala sa showbiz, nasa taas pa ako, hindi ako umalis na extra-extra na lang.’ Gusto niyang i-maintain ang pangalan niya.”

Idinagdag pa ni Tita A na mapili talaga sa projects si Richard at kahit siya ang tumatayong manager nito ay ang anak pa rin daw niya ng nasusunod.

“Nanghihinayang ako, kasi ang kumisyon. Pagkaganyan kasi, siya naman ang nagbabasa ng script, eh, hindi naman ako. Ako, sa presyo lang,” deklara pa niya.

Samantala, kini-co-manage ni Tita A ang sexy star na si Kara Mitzki sa Viva kaya present siya sa presscon ng dalaga.

Bakit ba siya nag-decide na muling mag-manage?

“Unang-una, maganda siya. Nakaka-acting naman siya, singer naman siya. Hindi talaga magaling na singer, pero nakakanta naman,” rason niya.

Kasama si Kara Mitzki sa concert ni Michael Pangilinan on April 8 na gaganapin sa Music Museum titled 56K with Kara and Khel.