• Home
  • Fresh Scoops
  • Raikko Matteo on Piolo Pascual: ‘Joke sa akin ng mommy ko na tatay ko si Kuya Piolo.”

Raikko Matteo on Piolo Pascual: ‘Joke sa akin ng mommy ko na tatay ko si Kuya Piolo.”

Yen Santos reacts to bashers saying she’s not fit to be Piolo Pascual’s leading lady.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/28/2017 8:30 AM
Raikko Matteo on Piolo Pascual: ‘Joke sa akin ng mommy ko na tatay ko si Kuya Piolo.”


032817-RaikkoYen_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, sinagot nina Raikko Matteo at Yen Santos ang mga tanong na may kaugnayan kay Piolo Pascual na pareho nilang kasama sa pelikulang Northern Lights: A Journey to Love.

Ani Raikko, “dati nga po joke sa akin ng Mommy ko na tatay ko si Kuya Piolo,” na sinasagot naman daw niya ng, ‘wehh totoo po?’” Ang sagot naman daw ng mommy niya ay, “anak, tatay mo talaga siya. Dream dad mo siya.” Nang tanungin si Raikko kung sino an mas gwapo sa kanila ni Piolo ang sagot niya ay, “parehas lang po.”

Nagbigay naman ng opinyon si Yen dahil maraming diumano ang nagtatanong kung anong karapatan niyang maging partner sa first movie niya si Papa P. Ang sagot ni Yen ay, “hindi naman po talaga mawawala yung mga ganyang kwestiyon at hindi ko naman po mape-please lahat ng tao. Para po sa akin Tito Boy, masaya ako na may mga taong naniniwala at nagtitiwala sa akin. Yun po ang importante sa akin.”