Korean star Jinyoung greets Vice Ganda

Sandara Park makes Vice Ganda very happy on his birthday.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/28/2017 8:10 AM
Korean star Jinyoung greets Vice Ganda


032817-JinYoung_PUSH.jpgSa TV Patrol, masayang-masaya at tili nang tili ang comedian-host na si Vice Ganda sa birthday gift sa kanya ng kaibigan niyang K-Pop star na si Sandara Park. Ito ang birthday greeting ng crush ni Vice na si Jinyoung na napapanuod ngayon sa Korean series na Love in the Moonlight.

Ani Jinyoung, “hello Vice Ganda, I’m Jinyoung. Maraming salamat sa pagmamahal niyo sa kin and happy birthday. And sana invite niyo ako sa GGV someday. Maghihintay ako at panunuorin ko rin ang show mo.”

Umere ito sa birthday special ni Vice sa Gandang Gabi Vice. Bukod sa birthday greeting mula kay Jinyoung, nagkaroon din ng malaking production number ang birit queens. At prinank din siya ng aktor na si Piolo Pascual.