• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano set to share concert stage with daughter Kiana and Sam Concepcion in US

Gary Valenciano set to share concert stage with daughter Kiana and Sam Concepcion in US

Gary Valenciano continues advocacy to promote promising artists.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/28/2017 9:10 AM
Gary Valenciano set to share concert stage with daughter Kiana and Sam Concepcion in US


032817-GaryV_PUSH.jpgMagbabalik concert stage ngayong summer si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa panibagong concert series na Gary V Presents na magaganap sa May 12, 13, 19, at 20 sa The Theater at Solaire.

Kasunod ito ng kanyang successful two-night concert noong November 2015 sa Newport Performing Arts Theater kung saan kasama niya sa stage ang mga rising OPM artists.

Makakasama ni Gary V sa concert stage ngayon sina Allan Silonga, Bullet Dumas, Carla Guevara-Laforteza, Janice Javier, Jimmy Marquez, Katrina Velarde, Kiana Valenciano, Lara Maigue, Mitoy Yonting, Timmy Pavino, at RJ Dela Fuente. Kasama din ang Zamora Brothers na sila Jason at Joshua ng Manoeuvers.

Kuwento ni Gary, bahagi na din ng kanyang adbokasiya ang mag-share ng stage at makatulong sa mga susunod na henerasyon ng OPM artist.

"I would like to continue my advocacy to provide artists with a bigger platform to showcase their music to a wider audience. I’ll be on the lookout for a new set of artists. But of course, the original cast of Gary V Presents… will always have a special place in my heart,” kuwento pa ni Gary.

Dagdag pa ni Mr. Pure Energy na personal at handpicked niya ang kanyang mga artist na makakasama sa concert na nag mula sa iba't ibang genre ng musika.

"They are known for their artistry and from their respective musical genres they represent. It feels great to see the audiences cheer for them in their unique musicality," saad pa ni Gary.

Nakatakda din sa huling hirit ng Gary V Presents ang special request ng mga TFC subscribers at OFW sa America. Sa US, mag-uumpisa ang concert series sa M Resort Las Vegas sa May 27, Pechanga Resort and Casino sa June 3, at Pasadena Civic auditorium sa June 10 kung saan special guest si Sam Concepcion at ang kanyang anak na si Kiana Valenciano.