• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Polo Ravales reveals how he coped with depression

EXCLUSIVE: Polo Ravales reveals how he coped with depression

Polo Ravales admits he became depressed when he stopped getting showbiz projects.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/28/2017 9:20 AM
EXCLUSIVE: Polo Ravales reveals how he coped with depression


032817-PoloRavales_PUSH.jpgDumaan sa matinding depression noon si Polo Ravales dahil sa kawalan ng trabaho sa showbiz until mabigyan siya ng pagkakataon na mapasama sa afternoon series na Doble Kara.

After Doble Kara, napanood naman siya sa Wansapanataym na pinagbibidahan ni Loisa Andalio and soon sa bagong teleserye under sa unit ng Malou Santos.

“Pag binabalikan ko yung mga panahon na I was depressed, parang nare-realize ko rin na… sino bang pinuntahan ko no’n? Si Lord, di ba?

“Saka, parang dapat wag kang bibitaw. Kung ano yung pinapaniwalaan mo siguro dapat panindigan mo yon and wag kang bibitaw kahit na may problema ka sa buhay. Parang yon yung naging lesson sa akin, na dapat maging matatag ka kasi may tutulong sa yo, hindi ka pababayaan,” very inspiring na pahayag ni Polo.

Samantala, ayaw munang magka-girlfriend ulit ni Polo.

“Hindi kasi naging maganda yung breakup namin, eh. Five years din yon. I’m not looking forward na magkaroon ulit ng karelasyon, pero kung may darating okey din lang.

“But for now, I’m focusing on my career, on my work lalo na ngayon nalilinya ako sa kontrabida roles,” rason pa niya.

Gusto rin daw niya na maging premyadong kontrabida.

“Gusto ko kasi na ako yung maging bagong Paquito Diaz ng Pilipinas. Yung ikaw yong pinakamagaling na kontrabida. Yon ang target ko. Kasi ang daming bida, eh.”

Ayaw munang i-reveal ni Polo ang title ng teleserye kung saan magiging bahagi siya.

“Malalaman n’yo rin naman yon. Basta soon,” sey pa niya.

Samantala, kasama si Polo sa pelikula ng BG Productions na Balatkayo na pinagbibidahan ni Aiko Melendez. Wala pang date kung kailan ipapalabas ang pelikulang idinirek ni Buboy Tan.