• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jon Lucas not threatened by new Hashtags members and Boyband PH

EXCLUSIVE: Jon Lucas not threatened by new Hashtags members and Boyband PH

Jon Lucas is happy that everyone is getting the chance to fulfill their dreams.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/28/2017 9:19 AM
EXCLUSIVE: Jon Lucas not threatened by new Hashtags members and Boyband PH


032817-JonLucas_PUSH.jpgAware si Hashtags Jon Lucas sa sinasabi ng iba na unti-unti nang nauungusan ng Boyband PH ang grupo ng Hashtags na napapanood sa It’s Showtime.

“Siyempre, alam ko po na marami talagang tao ang magsasabi na nauungusan na raw po kami ng Boyband, eh, sa akin okey lang po yon. Wala naman po akong problema sa ganu’n,” reaksyon ng binata.

“Masaya pa nga po ako dahil kapatid ko sila sa network so masaya ako na umaangat sila lahat. Alam ko naman na gusto rin nilang matupad yung mga pangarap nila tulad namin na nauna po sa kanila ng konti lang naman.

“Na kahit papaano, naipakita na rin namin yung puwede naming ipakita na talent sa mga tao. Siguro time naman na sila rin, maipakita nila yung talento nila sa pagkanta o pagsayaw. Sa akin, wala po talagang problema,” patuloy pa niya.

Tungkol naman sa pagkakaroon ng mga bagong miyembro ng Hashtags sa It’s Showtime, may reaksyon din dito si Jon.

“Nasanay na po ako sa parang go with the flow na lang, eh. Kahit anong mangyari, kahit anong desisyon ng management as long as nandon pa rin po ako sa work ko na yon, hindi po ako mati-threaten. Magtatrabaho po ako nang maayos at hindi naman po ako matatakot kung sino man po yung mga bagong dadating.

“Tsaka kahit na madami po kami, masaya po ako dahil may mga binata din po na gaya ko na natutupad din yung pangarap na maipakita yung talento nila sa telebisyon.”

Dagdag pa ni Jon, “Kasi ako, naniniwala ako sa destiny, lahat ng nangyayari sa buhay natin, talagang itinadhana na yan. So, kung maungusan man nila ako, baka para sa kanila talaga yon,” katwiran pa niya.

Fair pa rin naman daw ang exposure nila sa Showtime kahit madami na sila.

“Kahit marami na po kami nabibigyan naman po kami ng chance na ma-close-up sa TV, maging host po, mabigyan ng chance na makapagpakita ng prod,” reaksyon pa niya.

Kung mabibigyan ng chance, gusto na ulit ni Jon na makabalik sa paggawa ng teleserye.

“Gusto ko ring umarte ulit kasi aminado po ako na hindi talaga ako magaling na aktor noon at hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong umarte sa harap ng kamera. So gusto ko na magkaroon ulit chance na ipakita yung puwede ko pa pong ipakita sa pag-arte at matuto pa po,” pagtatapos ni Jon.