Sharon Cuneta shares her thoughts on “Darna”

The actress reminisces the days she took on the role of the iconic Komiks heroine.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/27/2017 12:51 AM
Sharon Cuneta shares her thoughts on “Darna”


032717-SharonCuneta_PUSH.jpgGanadong nag-throwback kuwento si Sharon Cuneta ng mga di makakalimutang alaala noong ginampanan niya ang papel bilang si Darna. Para kay Sharon, hindi lang basta-basta papel ang Pinay superhero.

"It's a responsibility. Panindigan mo si Darna," sabi ni Sharon

1986 nang gampanan ni Sharon ang role na Darna sa pelikulang "Captain Barbell." Kwento ng Megastar, isa sa pinaka mahirap ang mga eksenang lilipad si Darna.

"Lahat ng body pains naramdaman ko. Sabi ko nga, 'Pwede bang mag-drama na lang ako? Kahit limang balde ang iiyak ko," natatawang sabi nito.

Ngayong bakante ang trono kung sino ang susunod na Darna, para kay Sharon bukod sa ganda, malaking responsibilidad ang imahe nito para sa bagong henerasyon ng kabataang manonood.

"Angel (Locsin) did a wonderful job. She was so beautiful and perfect as Darna kasi magaling siyang kumilos, alam mo iyong tough at feminine? Tapos siyempre she's curvy, it goes without saying," saad pa ni Sharon.

Unang lumipad si Darna noong 1951 at mula noon hanggang ngayon 20 na aktres na ang gumanap sa iconic Komiks character na gawa ni Mars Ravelo.

Para kay Sharon normal lang ang pag papasa ng bato ni Angel para sa susunod na Darna.

“Darna is really meant to be passed on to another, of the new generation. It's been like that. It's a Filipino thing na pinamamana talaga. Kahit wala na kami dito, magkakaroon at magkakaroon pa rin ng Darna,” paliwang pa ng The Voice Teens coach.