• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta gives updates on movie project with Gabby Concepcion

Sharon Cuneta gives updates on movie project with Gabby Concepcion

Sharon Cuneta admits their schedules are full right now.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/26/2017 9:45 AM
Sharon Cuneta gives updates on movie project with Gabby Concepcion


032617-Sharon_PUSH.jpgMainit pa ding inaabangan ng karamihan ngayon ang nakatakdang reunion movie nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ianunsyo kamakailan ng Star Cinema.

Dahil tila marami na ang naiinip sa kanilang pagbabalik tamabalan, marami din sa mga tagahanga ng Sharon-Gabby tandem ang nagatatanong kung posible pa din ba itong di matuloy.

"I'm just waiting for the shooting schedule for the movie," panimula ni Sharon.

"As of today, as of this hour but in two hours after I'm not sure, That's the last I heard tuloy naman daw, but I can't really... kasi how hard its painful to be let down e so I always think of our fans to be disappointed pag hindi natuloy, so I'm just quiet na lang and I believe when we start shooting na," paliwanag ni Sharon.

Aminado si Sharon na hangad niya na ituloy pa din ang nasabing reunion movie sa kabila ng hindi pagkakatugma ng kanilang mga schedules na kanyang handog sana sa mga Sharonians na matagal nang naghihintay sa kanilang balik proyekto.

"It's really for our fans. There's been a clamor since he came home, e noon ako yung medyo hesitant tapos nung naging open na ang lahat siguro ang tagal ko na din naman kasal and ever since my husband is very supportive, so nung nalaman niya na sabi niya 'as long as na okay sa yo it's okay with me.' And okay din naman sakanya ganun si Kiko [Kiko Pangilinan]."

Dagdag pa ni Megastar ang reunion project na ito din kanyang paraan ng pagtanaw niya ng utang na loob sa kanyang mga tagahanga.

"Ang laki ng utang na loob ko doon sa team up namin na Sharon-Gabby na hindi namin akalain na mamahalin ng maraming tao. Tapos alam ko nasaktan din ang fans namin noong nag kanya-kanyang buhay na kami. Parang closure lang sabi ko, either to closure para mapagbigayan namin ang lahat. Parang the end na kasi nga nag-mature na kaming dalawa or pwedeng bagong beginning. Future projects, malay mo may endorsement, bagong projects sa TV. Ang daming pwede gawin kasi its such a strong brand na minahal ng Pilipino."

Kuwento pa ni Megastar nakatakda na sana sila mag-umpisa ngayong buwan ang taping ngunit kailangan pa nilang iurong dahil sa mga prior commitments na kadikit ng kanilang mga schedules.

"It was scheduled this March naging April so I have to finish some time kasi I have a concert abroad in June and I have to finish The Voice some time. So I mean my calendar has been disrupted enough, so far I don't want to be disrupted anymore and to disappoint other people na I'm committed to naman," pagtatapos na pahayag ni Sharon.