• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo on becoming the next Darna: ‘Hindi talaga iyon para sa akin’

Sarah Geronimo on becoming the next Darna: ‘Hindi talaga iyon para sa akin’

The actress says she is flattered but explains why she isn’t fit to be the next Darna.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/27/2017 12:50 AM
Sarah Geronimo on becoming the next Darna: ‘Hindi talaga iyon para sa akin’


032717-SarahGeronimo_PUSH.jpgMarami pa rin speculations tungkol sa kung sino ang gaganap na Darna, matapos sabihin ni Angel Locsin na hindi na talaga niya pwedeng gawin ang role ng super hero sa pelikula.

Ilang mga pangalan ang lumutang na maaring gumanap dito gaya nina Nadine Lustre, Maja Salvador, Jessy Mendiola, Pia Wurtzbach , Liza Soberano at Sarah Geronimo.

Sa panayam na ito mariing pinabulaan ni Sarah na isa siya sa option upang gampanan ang role bilang Darna. Pero aniya ikinatutuwa niya na kabilang siya sa mga napapagpilian para dito.

"Nagpapasalamat po ako at flattered naman ako na may mga kino-consider ako," pahayag ni Sarah sa press visit sa set ng The Voice Teens kung saan ay isa siya sa mga coaches.

Pagbibiro pang sabi ni Sarah, "Wala akong boobs, anong magagawa natin?"

Nilinaw din ni Sarah ang kanyang naunang pahayag noon sa media tungkol sa mga kumukonsidera sa kanya sa pagiging Darna.

"Baka naman na negative-an sila sa akin noong sinabi ko na, 'Eh, 'di wow! Gusto niyo ba makakita ng Darna na naka-jumpsuit?' Kasi matagal ko na po iyang sinasabi na hindi talaga iyon para sa akin kasi iconic iyong role," paliwanag ng singer-actress.

Sa ngayon abala ang Pop Star Royalty sa pag buo at pagtapos ng pelikula na pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz at looking forward sa pag uumpisa ng newest season the The Voice.