• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros set to do an action-comedy film with Derek Ramsay

Paolo Ballesteros set to do an action-comedy film with Derek Ramsay

Paolo Ballesteros says he isn’t pressuring himself to measure up to ‘Die Beautiful’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/26/2017 9:41 AM
Paolo Ballesteros set to do an action-comedy film with Derek Ramsay


032617-PaoloBallesteros_PUSH.jpgPumirma ng three-picture movie contract si Paolo Ballesteros sa Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde. First project ni Paolo sa Regal ay isang action-comedy film kasama si Derek Ramsay.

Iisa lang ang manager nina Paolo at Derek (si Joji Dingcong) kaya naging madali ang pagsasama nila sa iisang project.

Partner ba sila o kontrabida niya si Derek sa movie?

“Hindi ko alam kung partner kami. Wala pa akong idea actually, ngayon lang nila sinabi. But the idea itself is pasok at pasado agad sa akin,” kuwento sa Push.com.ph ni Paolo.

Excited ba siya kung saka-sakaling magkakaroon sila ng intimate scene sa pelikula?

“Hindi ko iniisip yung ganu’ng bagay, eh. Hahayaan ko na lang na dumating,” humahalakhak niyang sagot.

Patuloy pa niya, “Basta maging maganda yung gagawin namin, okey na yon. Mas excited ako actually don sa action part, eh. Gusto rin talagang mag-action kasi gusto ko physical, eh. It’s either yung magta-transform kasi it’s physical din kasi ako ang gumagawa non,” pahayag pa ng actor-TV host.

Samantala, hindi ba siya napi-pressure na naging critically-acclaimed at award-winning last film niyang Die Beautiful.

“Hindi naman ako gagawa ng film para kompetensyahin yung sarili ko. I mean, hindi naman kailangang i-prove na kailangang… ay dapat best actor ako.

“I guess, it depends talaga do’n sa material at story. Hindi ko naman din hahayaan na yung story is hindi ko gusto or feeling ko na parang medyo waley, di ba? Pero hindi rin naman ibig sabihin non na ang pipiliin kong film ay yung heavy drama na pang-award na naman, ganu’n. Kasi ang gusto ko lang ay maganda yung pelikulang maipalabas,” paliwanag ng Transformation King.

Samantala, bukod sa action-comedy film with Derek, susunod namang gagawin ni Paolo ang X-Woman na parang counterpart ng X-Man.